ABS-CBN is still the network of choice nationwide by most Filipino viewers that offered heartwarming and essential lessons, as well as comprehensive news in February as it registered an average audience share of 45%, or 15 points higher than GMA’s 30%, based on data from Kantar Media.
“FPJ’s Ang Probinsyano,” “The General’s Daughter,” patuloy na pinapanood sa buong bansa
ABS-CBN pa rin ang piling network ng mas nakararaming viewers sa bansa sa paghandog nito ng nakakaantig na mga kwentong may aral at makabuluhan na balita noong Pebrero matapos nitong magkamit ng average audience share na 45%, o 15 na puntos na lamang kumpara sa GMA na nakakuha lamang ng 30%, ayon sa datos ng Kantar Media.
Katulad noong Enero, siyam na Kapamilya programs ang pasok sa listahan ng top ten most watched shows nationwide na pinapangunahan ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na nakakuha ng 42.3% dahil sa maganda at napapanahon nitong kwento kahit na may bago itong kalabang programa.
Sinundan ito ng “TV Patrol” (31.3%) na naghatid ng mahahalagang balita. Samantala, hindi pa rin natitinag ang “World of Dance Philippines” (31.3%) bilang pinakapinapanood na weekend program sa bansa.
Patuloy ring tinatangkilik ang “The General’s Daughter” (30.6%), habang ang mga makabuluhan na episodes ng “Maalaala Mo Kaya” (25.1%) na kapupulutan ng aral ay tinutukan ng viewers.
Maraming viewers din ang kumakapit tuwing weekend sa episodes ng “Home Sweetie Home Walang Kapares” (22.9%) at “Wansapanataym” (22.7%) noong Pebrero, habang marami pa rin ang naaakit na viewers sa late night favorite show na “Halik” (22.3%). Samantala, unang beses naman pumasok sa top 10 ngayong 2019 ang “Rated K Handa Na Ba Kayo” (21.6%).
Nanguna din ang ABS-CBN sa buong bansa, partikular na sa Metro Manila kung saan nakakuha ito ng average audience share na 43%, o 20 puntos na lamang laban sa 30% ng GMA. Mas tinutukan din ang ABS-CBN sa Mega Manila kung saan nakakuha ito ng 36%, kumpara sa 29% ng GMA. Pinanonood din ang Kapamilya network sa Total Luzon, kung saan nakapagrehistro ito ng average audience share na 40%, laban sa 32% ng GMA; sa Total Visayas, kung saan nagkamit ito ng 55%, kumpara sa 24% ng GMA; at sa Total Mindanao, kung saan nakakuha ito ng 55%, at tinalo ang 26% ng GMA.
Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.
Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa lahat ng timeblocks noong Pebrero, patikular na sa primetime block (6 PM to 12 MN), kung saan nagkamit ito ng average audience share na 50%, o 20 na puntos na lamang kumpara sa GMA na may 30%. Ang primetime block ang pinakaimportante parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilpino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.
Pinanood din ang Kapamilya network sa morning block (6AM to 12 NN), kung saan nagkamit ito ng 37%, laban sa 26% ng GMA; sa noontime block (12 NN to 3 PM), kung saan nakakuha ito ng 44%, kumpara sa 30% ng GMA; at sa afternoon block (3 PM to 6 PM), kung saan nagrehistro naman ito ng 46%, at tinalo ang 32% ng GMA.