Umaapaw na TV premieres ang hatid ng KBO ng ABS-CBN TVplus sa pagpapalabas ng 2018 family drama na "Three Words To Forever" at ang MMFF entry na “One Great Love” ngayong Marso.
Matapos ang huling pelikula nila matapos 15 taon ang nakakaraan, magsasama muli sina Sharon Cuneta and Richard Gomez kasama ang Phenomenal Box Office Queen Kathryn Bernardo sa “Three Words To Forever.” Bibigyang buhay nila ang karakter ng mag-asawang sina Rick (Richard) at Cristy (Sharon) na gusto nang maghiwalay matapos ang 25 taon nilang pagsasama. Alamin kung paano tatanggapin ito ng mga magulang ni Cristy na sina Cito (Freddie Webb) at Tinay (Liza Lorena) na ipinagdiriwang ang kanilang 50th anniversary at ang kanilang anak na si Tin (Kathryn) na nagbabalak pakasalan ang kanyang kasintahan na si Kyle (Tommy Esguerra).
Mapapanood din ngayong buwan ang 2018 MMFF movie ni Kim Chiu na "One Great Love." Iikot ang pelikula sa pagkasira ng relasyon nina Zyra (Kim) at Carl (JC de Vera). Pipilitin nila itong ayusin ngunit sa pagpasok ng karakter ni Dennis Trillo na si Ian guguluhin nito ang puso ni Zyra.
Makakasama sa KBO line-up ngayong Marso ang TV premiers ng Korean movies na "Be With You," "Daddy You, Daughter Me" at "The Mood of Day," iba pang MMFF entries na "Rainbow Sunset," at "Otlum," pati na ang iWant original "Ma."
Para panorin ang KBO movies, mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 (date)<TVplus box ID> sa 2366.
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin
angwww.abscbnpr.com.