The engaging showcase of politics, drama, and action topped off with Arjo Atayde’s effective portrayal of an anti-hero in the iWant original series has generated praises from netizens.
Patuloy na nakakakuha ng papuri at views ang original series ng iWant na “Bagman” dahil sa palabang kwento nito tungkol sa pulitika at nakakabilib na pagganap ng bidang si Arjo Atayde.
Napapanood na sa iWant nang libre ang unang siyam na episodes ng serye at magiging available naman ang huling tatlong episodes nito sa Miyerkules (Abril 3).
Sa review ng entertainment site na Pep.ph, isinulat ni Julia Allende na relatable ang kwento ng serye mapa-personal man o lipunan at sinabing isa itong “substantial series in the roster of iWant originals.”
Napanood naman ng sikat na entertainment blogger na si Rod Magaru ang unang tatlong episodes ng serye at sinabing sulit sa oras ang panonoood nito. Aniya, “In fact, this series is very brave in tackling a socio-political plot given the current status quo in this country. Bagman has a combination relatable content of heart and injustice that you’ll end up wanting for more episodes.”
Sinusundan ng “Bagman” ang kwento ni Benjo (Arjo), isang barberong naging tauhan ng isang gobernardor ngunit piniling manatili sa magulo at madilim na mundo ng pulitika.
Dahil sa tema, pagganap ng cast, at maging ang pagkakakwento nito, maraming iWant users at netizens ang nagpo-post ng mga papuri sa kanilang accounts. Mapapanood din ang unang episode ng “Bagman” sa official YouTube account ng iWant.
Sa YouTube, kinwento ni Angie Harper na nag-alangan siya noong una na panoorin ang series dahil sa tema nito ngunit na-hook din dahil sa cast at “malinis ang script.” Sabi pa niya, “Para lang ‘House of Cards’ Philippine edition. Great cast too. Arjo is the man… he's the best actor of his generation. So worth it to watch this series, grabe hindi ko nga ma-let go. It'll suck you in and you'll need to know what's going to happen next. Great show! Inaabangan ko na ‘yung mga susunod!”
Sa Twitter naman, marami rin ang pumuri sa “Bagman” at humiling pa na magkaroon ito ng pangalawang season.
Post ng user na si @Drewste94879038, “Galing Benjo! ‘Bagman’ is the best Filipino series I’ve watched so far!!!!.” Para naman kay @dyosa_ligaya24, “‘Sobrang nakakakaba bawat episode. Grabe kayo, gagaling po ninyo. Salute po sa buong cast at sa director pati mga writers. More acting awards for you Papa Benjo @AtaydeArjo.”
Excited din daw si @carmexislife sa mga bagong episode at sinabing, “Feeling ko bitin pa rin kahit matapos na yung last 3 ep next week. Hopefully, extended. I swear I’m really enjoying the series. Walang tapon na eksena. Very pleasing panoorin si Arjo kahit tarantado ‘yung role niya.”
Komento naman ni @hanzczareign, “Done watching Bagman on iWant. Grabe. It's really good! A different Arjo Atayde I’ve seen on that series. Every episode has a twist. You'll always wonder what will be next. Looking forward to the next episodes.”
Napapanood na nang libre ang unang siyam na episodes ng “Bagman” sa iWant sa iOS o Android apps o sa web browser sa
iwant.ph. Magiging available naman ang huling tatlong episodes nito sa Miyerkules (Abril 3).
Mas maraming manonood na rin ang makakapag-enjoy sa latest offerings ng iWant dahil maaari na itong i-connect sa TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay.
Ang iWant ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong pag-transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.
Para sa updates, i-like ang
www.facebook.com/iWant, i-follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial at @dreamscapedigital sa Instagram, at mag-subscribe sa
www.youtube.com/iWantPH.