News Releases

English | Tagalog

Pelikulang "Quezon's Game" ng Star Cinema at iWant, wagi sa int'l film fest sa Texas

April 16, 2019 AT 12:26 PM

Star Cinema and iWant's "Quezon's Game" named Best Foreign Movie at int'l film festival in Texas

“Quezon’s Game,” a movie that pays tribute to former Philippine president Manuel L. Quezon’s heroic rescue of over a thousand Jewish people seeking refuge from the Holocaust, continues to get worldwide recognition.

Patuloy na humahakot ng international awards ang “Quezon’s Game,” isang pelikula tungkol kay dating Pangulong Manuel L. Quezon, matapos itong magwagi ng apat na parangal sa WorldFest-Houston International Film Festival noong Sabado, Abril 13 (Linggo, Abril 14 sa Maynila).
 
Nagkamit ng Best Foreign Movie trophy ang pelikula, na joint venture production ng Star Cinema, ang streaming service ng ABS-CBN na iWant, at Kinetek Productions.
 
Nakakuha rin ito ng tatlong Gold Remi Awards ang pelikula para sa Best Art Design, Best Producers para kina ABS-CBN president at CEO na si Carlo Katigbak, Star Cinema managing director na si Olivia Lamasan, iWant originals production head na si Linggit Tan-Marasigan, at Lorena Rosen, at Best Director para kay Matthew Rosen, isang award-winning TV commercial at music video director at ang isa sa mga nagtaguyod ng larangan ng data post-production sa bansa.
 
Ang WorldFest ay nakabase sa Houston, Texas – ang siyang pinakamatandang independent film and video festival sa mundo at ang ikatlong competitive international film festival sa North America.
 
Noong Enero, nag-uwi ang period movie ng 12 awards mula sa Cinema World Fest Awards sa Ottawa, Canada, kabilang na ang Awards of Excellence para kina Raymond Bagatsing, ang gumanap bilang si Quezon, at kay Rachel Alejandro, na siya namang gumanap na asawa ng dating pangulo na si Aurora.
 
Nagpatuloy pa ang tagumpay nito noong Pebrero nang magkamit ito ng anim na awards sa IndieFEST Film Awards sa California, US.
 
Base sa totoong pangyayari ang pelikula, na isinasalaysay ang kwentong nagsimula noong 1938 nang sumali si Manuel L. Quezon sa grupo ng noo’y future US president na si Dwight Eisenhower at ilan pang kilalang tao sa pagsagip nila sa Jewish refugees mula sa Germany at Austria. Sinubok man ng iba’t ibang dagok – kabilang na ang paglaban ni Quezon sa pagbalik ng kanyang sakit na tuberculosis – nalagpasan ito ng grupo at nailigtas nila ang 1,200 refugees.
 
Sinasabing sa mga huling sandali ng kanyang buhay, nagbitaw pa ng tanong si Quezon na “Could I have done more?” sa kanyang pagbabaliktanaw sa isa sa mga hindi masyado kilala ngunit makabuluhang kwento sa kasaysayan ng Pilipinas.
 
Mapapanood ang “Quezon’s Game” sa mga sinehan sa bansa simula Mayo 29.