Kapamilya celebrities namely Nadine Lustre, Vhong Navarro, and Ejay Falcon, recently renewed their contracts with ABS-CBN.
Muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN ang Kapamilya celebrities na sina Nadine Lustre, Vhong Navarro, at Ejay Falcon.
Nasasabik na si Nadine na muling gumawa ng mga proyekto sa Kapamilya network matapos ang kanyang hosting stint sa “It’s Showtime” at drama series na “Till I Met You.” “Sana may konting action naman this time ‘cause I’ve been doing drama and romcom before. Sana maiba naman ‘yung genre,” ani Nadine.
Muli ring nag-renew ng kontrata ang komedyante at “It’s Showtime” host na si Vhong Navarro. “Alam kong hindi nila ko pababayaan dahil alam kong mahal na mahal nila ako,” pahayag ni Vhong. Excited na si Vhong sa kanyang dalawang TV projects na, ayon sa kumdeyante, ang isa ay bago para sa kanya at ang isa naman ay namimiss na niyang gawin.
Kasama rin sa mga artistang muling pumirma ng kontrata ang aktor at dating Pinoy Big Brother big winner na si Ejay Falcon. Matapos nitong gawin ang hit series na “The Blood Sisters” at mag-cameo sa Korean drama “Where Stars Land” noong nakaraang taon, handa na siyang sumabak sa bagong aabangang Kapamilya serye na “SanDugo” kasama sina Elisse Joson at Aljur Abrenica.
Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak, chief operating officer ng broadcast Cory Vidanes, head ng treasury, investor relations, business decision support at finance operations cluster 2 Rick Tan, Star Magic head Johnny Manahan, Veronique Corpuz ng Viva Artist Agency Inc., at Perry Lansingan ng PPL Entertainment.