News Releases

English | Tagalog

Halos 700 na Kapamilya, ‘tumakbo’ para sa Halalan sa "Race Your Voice"

April 30, 2019 AT 04:15 PM

Hundreds of Kapamilyas run for the elections in "Race Your Voice"

ABS-CBN head of Integrated News and Current Affairs Ging Reyes, together with Jorge Carino, Chiara Zambrano, Jeff Canoy, Dyan Castillejo, and Gus Abelgas led participants in an energizing run where each stop tested their knowledge about the elections.

Jorge, Chiara, Jeff, Gus, at Dyan nanguna sa obstacle fun run

Halos 700 na Kapamilya ang nakilahok kasama ng mga reporter at personalidad mula sa ABS-CBN sa “Race Your Voice” obstacle fun run ng ABS-CBN News kaugnay ng “Halalan 2019” na ginanap kamakailan lang sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.
 
Nanguna ang pinuno ng ABS-CBN Integrated News and Current Affairs na si Ging Reyes at sina Jorge Carino, Chiara Zambrano, Jeff Canoy, Dyan Castillejo, at Gus Abelgas sa masayang takbuhan kung saan nasubok ang kaalaman ng mga sumali tungkol sa paparating na eleksyon.
 
Sama-sama ang mga senior citizen, mag-asawa, magka-kapamilya, at magba-barkada sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa tamang proseso ng pagboto at iba pa habang dumadaan sa mga obstacle.
 
Ayon sa college student na si Diego Rosales ng STI Colleges-Fairview, naging masayang paraan ang “Race Your Voice” para matutunan at maaral nila ang mga importaneng bagay tungkol sa halalan.
 
“Enjoy na enjoy kami, at kahit hindi kami nahirapan sa mga tanong, maganda na may ganitong klaseng event, lalo na para sa mga bagong botante,” sabi ni Diego. “Dapat alam ng lahat kung ano’ng dapat gawin sa Mayo 13 at magandang paraan ito.”
 
Dumalaw rin ang ilang mga kinatawan ng COMELEC para sagutin ang mga tanong ng Kapamilya at ipaalala ang mga panuntunan sa pagboto.
 
Bago magsimula ang takbuhan, nangako rin ang lahat ng mga lumahok sa fun run na bumoto at ipanalo ang boses ng Pilipino sa Mayo 13.
 
Samantala, naghatid rin ng libreng serbisyong medikal ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya sa mga tumakbo at dumalo sa “Race Your Voice.” Pinasaya rin sila nina Young JV, “PBB Otso” adult housemates na sina Shawntel Cruz, Hanie Onofre, Camille Sandel, Kim Franco, JC Gamez, Wakim Regalado, Abi Kassem, at Tori Garcia; at ang mga taga “It’s Showtime” na sina Brenda Mage, Czedy Rodriguez, Chad Kinis Lustre-Reid, Anna Patricia Lorenzo, Steph Robles, Charles Kieron, Zeus Collins, at Vitto Marquez.
 
Nagpakita rin ng talento sa programa, na hinost ni DZMM anchor Ahwel Paz, ang mga online singing sensation na sina JThree, Brettdane Castillo, Shenikah Supin, Richard Estanes, at rapper na sina Alex Bruce, Edmar Capalad, at Mercifuletes Viola, na tampok sa mga “Halalan 2019” na video na ginawa ng ABS-CBN.
 
Kabilang ang “Race Your Voice” sa mga hakbangin ng Kapamilya network upang matulungan ang mga Pilipino sa kanilang pagpili ng mga karapatdapat maging lider sa Mayo 13 kasabay ng “Halalan 2019” special election coverage nito sa ABS-CBN, DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo, ANC, the ABS-CBN News Channel, news.abs-cbn.com, at patrol.ph. Para sa balita tungkol sa halalan, i-follow ang @ABS-CBNNews, @DZMMTeleRadyo, at @ANCalerts sa Facebook at Twitter. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook Twitter, at Instagram o pumunta sa abscbnpr.com.