News Releases

English | Tagalog

Loisa, crush ang high school professor sa "Past, Present, Perfect?"ng iWant

May 17, 2019 AT 04:04 PM

Loisa crushes on high school professor on iWant's "Past, Present, Perfect?"

Loisa Andalio stars in the new iWant original series "Past, Present, Perfect?" that starts streaming on May 31.

Makaka-relate ang lahat, maging ang mga young-at-heart, sa bagong digital series na pagbibidahan ni Loisa Andalio na “Past, Present, Perfect?” na mapapanood na sa iWant simula Mayo 31.

Sa bagong iWant original series, gaganap si Loisa bilang si Shantal, isang high school student na magkakaroon ng feelings para sa kanyang teacher (Vin Abrenica).

Dahil sa naramdamang puppy love, matututo si Shantal ng mga aral sa buhay at pag-ibig na dadalhin niya habang hinahabol ang nag-iisa niyang pangarap.
 

Ang romance-drama series ay isinulat at idinirek ni Dwein Baltazar, ang screenwriter ng blockbuster movie ng “Exes Baggage” at kamakailan ay nanalo ng Best Director at Best Screenplay awards para sa pelikula niyang “Gusto Kita With All My Hypothalamus,” na siya ring pinarangalang Best Picture sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards 2019.

Abangan ang “Past, Present, Perfect?” na pagbibidahan din ni Shaina Magdayao sa streaming service na iWant at i-download na ang app sa iOS o Android o mag-register sa iwant.ph.