News Releases

English | Tagalog

"Local Legends," ipapalabas na sa ABS-CBN tuwing Biyernes

May 02, 2019 AT 03:19 PM

Pagkatapos ng “Bandila”

Mapapanood na sa ABS-CBN ang premyadong programa ng ABS-CBN na nagdala ng karangalan sa bansa sa larangan ng paggawa ng dokumentaryo.
 
Simula bukas (Mayo 3), ipapalabas na ang “Local Legends” tuwing Biyernes pagkatapos ng “Bandila,” kung saan ibinibida ang kultura at tradisyon ng mg Pilipino. 
 
Isang produksyon ng ABS-CBN DocuCentral, tampok sa programa ang kwento ng mga dalubhasa sa paglikha sa bansa at kung paano sila nananatiling matatag sa kabila ng globalisasyon at mass production sa mundo. Layunin ng palabas na ipalaganap ang respeto sa ating sariling gawa at maipamana sa susunod na henerasyon ang kaalaman at kakayahan sa paggawa ng mga bagay na ito.
 
Sa unang episode, ibibida ang isang eksperto sa paggawa ng gitara sa San Antonio, Pampanga kung saan mahigit isang siglo nang ginagawa ang instrumentong ito. Nanalo ito ng Silver World Medal noong 2018 sa Cinematography division ng New York Festivals World's Best TV & Films (NY Festivals). Itatampok din ngayong buwan ang Rice wine ng Batad (Mayo 10), Corned Beef ng Masbate (Mayo 17), Jeepney ng Las Piñas’ (Mayo 24), at paghahabi sa Kalinga (Mayo 31).
 
Unang emere ang “Local Legends” sa ANC, the ABS-CBN News Channel. Kamakailan lang, tumanggap ito ng Bronze World Medal sa prestihiyosong NY Festivals para naman sa episode na “Karne Norte.”
 
Abangan ang “Local Legends” sa ABS-CBN tuwing Biyernes (Mayo 3) pagkatapos ng “Bandila.” Para sa impormasyon, sundan ang @DocuCentral sa Facebook at Twitter. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Twitter, Facebook, at Instagram o bumisita sa www.abscbnpr.com.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE