News Releases

Serving the Filipinos in the Middle East via TFC’s “Lingkod Kabayan”

May 29, 2019 AT 11:03 AM

Serving the Filipinos in the Middle East via TFC’s “Lingkod Kabayan”

Be informed. Be connected. Be empowered. Visit Lingkod Kabayan (me.mytfc.com), the community site for every overseas Filipino in the Middle East

In the past few years, overseas Filipinos are facing different challenges in the Middle East driven by the region’s unique economic and socio-political landscape. Since 2017, some overseas Filipinos in Saudi Arabia and UAE were back to the Philippines after being unable to renew their labor contracts, while some opted to remain and search for new employers. Most of the Filipino service workers continue to thrive but not without the daily risks they face against possible abuses, both psychological and physical.

These are just some of the challenges that overseas Filipinos face in the Middle East and most of them need a platform that could somehow address these pressing concerns. Thus, TFC Middle East launches Lingkod Kabayan (me.mytfc.com), a free community site that provides the empowerment they need by linking them to the right government agencies, providing reliable sources of information, and connecting them to their fellow overseas Filipinos to address the different issues they are facing abroad.
 
“True to our core of serving the Filipinos worldwide, TFC launches the community site Lingkod Kabayan to look after the welfare of the overseas Filipinos in the Middle East. We hope through this community site, more overseas Filipinos will be empowered as they have within their grasp the knowledge and information that they need for their life overseas,” said ABS-CBN Europe, Middle East, and Africa (EMEA) Managing Director Joseph Arnie Garcia.
 
Recently, the implementation of the Saudization intensified as more jobs were banned from the expats to give way to the Saudi nationals. Outside Saudi Arabia, the current economic state of other countries under the Gulf Cooperation Council pushes overseas Filipinos to seek better opportunities within their host countries. To assist the competent Filipino workforce in connecting with local employers, Lingkod Kabayan (me.mytfc.com) in partnership with Bayt.com launches Trabahanap, a feature in the site with various current job listings to help the overseas Filipinos explore job opportunities in other countries around the Middle East, so they continue to thrive and support their families back home.
 
In addition, knowing their rights which varies in the different countries in the Middle East and understanding the important provisions in their contracts will help empower the overseas Filipinos. Lingkod Kabayan (me.mytfc.com) in partnership with Gulf Law make this information easily available to them through the articles found in the Information Center feature of the site. For similar concerns, Lingkod Kabayan’s (me.mytfc.com) Kabayan Helpline is one chat away and will gladly link them to the appropriate government agencies that will help them with their concerns.
 
Lingkod Kabayan (me.mytfc.com) is also forging a partnership with Salve Duplito of ANC’s “On the Money” to help the overseas Filipinos have financial freedom by answering questions regarding their finances, investments and other money matters through the site’s message portal.
 
To help ease the homesickness, Lingkod Kabayan (me.mytfc.com) connects the different Filipino communities around the Middle East through the site’s Suggest Topic feature, where they can talk about anything under the sun—from the Filipino food they miss back home, to the newest hang-out spots they could try around the Middle East.
 
Making the decision to live away from their loved ones is challenging enough for the overseas Filipinos. It will mean a lot to them to know that even they are away from home, through the Lingkod Kabayan (me.mytfc.com) community site, they have their fellow Filipinos abroad to turn to in the most challenging times in their lives.
 
Be informed, be connected, be empowered--visit Lingkod Kabayan (me.mytfc.com) today.
 
###



Community site na “Lingkod Kabayan”
pag-uugnayin ang mga OFs sa Middle East
Makakuha ng wastong impormasyon at makisalamuha sa mga kapwa overseas Filipinos, bisitahin ang Lingkod Kabayan (me.mytfc.com)
 
Kailan lamang ay madalas na mapabalita ang tungkol sa ilang mga kinakaharap na pagsubok ng mga overseas Filipinos sa Middle East. Isa na ang repatriation, na ayon sa report ng ABS-CBN News, ilang libong mga overseas Filipinos ang bumalik sa bansa matapos maapektuhan ng Saudization at tinanggap ang amnestiya dahil sa mga paso na nilang mga dokyumento.
 
Ilan lamang ito sa mga kinakaharap na problema ng mga overseas Filipinos sa Middle East at kinakailangan ng makakatulong sa kanilang matugunan ang mga isyung ito. Kaya naman inilunsad ng TFC Middle East ang Lingkod Kabayan (me.mytfc.com), isang free community site kung saan sila maaaring magpunta upang makakuha ng wastong impormasyon, masagot ang ilang katanungan, at makipag-ugnayan sa mga kapwa overseas Filipinos.
 
“True to our core of serving the Filipinos worldwide, TFC launches the community site Lingkod Kabayan to look after the welfare of the overseas Filipinos in the Middle East. We hope through this community site, more overseas Filipinos will be empowered as they have within their grasp the knowledge and information that they need for their life overseas,” saad ni ABS-CBN Europe, Middle East, and Africa (EMEA) Managing Director Joseph Arnie Garcia.
 
Kamakailan lamang ay napabalita ang pagpapaigting ng implementasyon ng Saudization, kung saan karagdagang mga trabaho pa ang hindi na puwedeng pasukin ng mga expat para bigyang-daan ang mga Saudi nationals. Napipilitan din ang ilang overseas Filipinos na maghanap ng trabaho sa kasalukuyang bansang tinutuluyan nila dahil sa lagay ng ekonomiya ng mga estadong kabilang sa Gulf Cooperation Council. Upang matulungan ang mga manggagawang Pilipino na makahanap ng mga bagong employers, sa pakikipagtulungan ng Lingkod Kabayan (me.mytfc.com) sa Bayt.com ay inilunsad ang Trabahanap kung saan mayroon iba’t ibang job listings mula sa ibang mga bansa sa Middle East, na siyang makakatulong upang patuloy na masuportahan ng mga overseas Filipinos ang kanilang mga pamilya sa PIlipinas.
 
Mahalaga rin na alam ng mga overseas Filipinos ang kanilang mga karapatan base sa bansang kanilang kinarororoonan at ang maunawaan ang mga probisyon sa kanilang employment contracts. Kaya naman ang Lingkod Kabayan (me.mytfc.com) ay nakipagtulungan sa Gulf Law upang ang mga mahahalagang impormasyon na ito ay madaling malaman ng mga overseas Filipinos sa pamamagitan ng Information Center feature ng site. Maaari rin silang mag-message sa Kabayan Helpline na tutulungan silang alamin kung anong ahensya ng gobyerno ang dapat lapitan para sa kanilang isyung nais idulog.
 
Nakipagtulungan din ang Lingkod Kabayan (me.mytfc.com) kay Salve Duplito ng programang “On the Money” ng ANC upang sagutin ang ilang katanungan ng mga overseas Filipinos pagdating sa pagpapalago at pangangalaga ng perang kanilang pinaghihirapan sa pamamagitan ng message portal ng site.
 
Samantala, upang kahit papaano ay maibsan ang kanilang pangungulila, magsisilbing tulay nila ang Lingkod Kabayan (me.mytfc.com) sa iba pang mga Filipino communities sa Middle East sa pamamagitan ng Suggest Topic feature ng site, kung saan maaari nilang pag-usapan ang kahit ano, mula sa hinahana-hanap nilang pagkaing Pinoy hanggang sa pinakabagong mapapasyalan sa Middle East.
 
Hindi madali ang mamuhay malayo sa mga mahal sa buhay, kaya naman malaking bagay para sa mga overseas Filipinos na malamang mayroon silang malalapitang kapwa Pilipino sa oras ng pangangailangan—isang bagay na tutugunan ng Lingkod Kabayan (me.mytfc.com).
 
Bisitahin na ang Lingkod Kabayan (me.mytfc.com) ngayon.
 
###
 
Media Contact:
 
Joyce Jimenez
ABS-CBN Global Corporate Affairs and PR
Global_Corporate_Affairs@abs-cbn.com (EMAIL)

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE