The Gawad Tanglaw lauded the Kapamilya network “for serving the Filipino public through free television, digital terrestrial television, radio, cable, music, public advocacies, environmental protection and care and global television in its sixty five years of existence and for being the number one television network in the Philippines.”
Channel 2, ANC, Metro Channel, at DZMM nagwagi
Pinarangalan ang ABS-CBN ng Tanglaw Broadcast Media Lifetime Achievement Award sa ika-17 na Gawad Tanglaw Awards na iginagawad ng mga kritiko ng pelikula, historian, at propesor ng humanidades kamakailan lang.
Pinuri ng Gawad Tanglaw ang Kapamilya network sa “serbisyong hinahatid nito sa mga Pilipino sa pamamagitan ng free television, digital terrestrial television, radio, cable, music, mga adbokasiya, pag-aalaga sa kalikasan, at sa global na telebisyon sa 65 taon nito, at sa pagiging number one television network sa bansa.”
Umani ang Kapamilya network ng 31 na parangal para sa tatlo nitong channel na ABS-CBN channel 2, ANC, the ABS-CBN News Channel, Metro Channel, at ang DZMM Radyo Patrol 630.
Itinanghal ang “ASAP Natin ‘To” bilang Best Variety Show habang ang “Ipaglaban Mo” ang nanalo ng Jury Award for Television Crime Anthology. Nanalo naman ang “Pareng Partners” bilang Best Communication Program Development habang ang “My Puhunan” ang ginawaran ng Jury Award for Sustainable Development in Entrepreneurship.
Nagwagi ang “Ngayon at Kailanman” star na si Iza Calzado bilang Best Actress (Drama Series), habang ang “Halik” stars na sina Jericho Rosales at Daisy Cariño ang napiling Best Actor (Drama Series) at Best Supporting Actress (TV Series). Nanalo naman si Edu Manzano bilang Best Supporting Actor (TV Series) para sa “FPJ’s Ang Probinsyano” habang ang Kapamilya hunk na si Tony Labrusca ang tumanggap ng Gawad Elenita Navor-Hermoso para sa Natatanging Artista ng Bagong Henerasyon.
Umani rin ng parangal ang mga bida ng “Maalaala Mo Kaya” episode na “Duyan” na sina Allen Dizon at Meryll Soriano bilang Best Performance by an Actor at Actress (Single Performance).
Hindi rin nagpahuli ang lifestyle cable channel na Metro, na umani ng mga tropeo para sa mga programa nitong ipinagdiriwang ang ganda at galing ng kulturang Pilipino.
Nanalo ang mga local travel-cuisine show na “Show Me The Market,” “Chasing Flavors,” at “Food Prints” ng tag-iisang Jury Award for Cultural Development and Sustainability. Ang “Women of Style” naman, na tampok ang galing ng mga babaeng Pilipino, ang nakatanggap ng Jury Award for Gender and Development, habang ang home interiors program na “Metro Home” ang tumanggap ng Jury Award for Sustainable Design and Innovation.
Pinarangalan rin ang ANC, the ABS-CBN News Channel bilang Best TV Station at tumanggap pa ng 12 tropeo kabilang ang Best Business Program para sa “The Boss” at “On the Money.” Itinuring na Best Public Affairs Program ang “Beyond Politics” at hinirang na Best TV Female Anchor ang “Headstart” anchor na si Karen Davila.
Samantala, nagwagi rin ang programang ”Usapang de Campanilla” ng DZMM Radyo Patrol 630 ng Best Public Service Program.
Layunun ng Gawad Tanglaw, o ang Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw na parangalan ang mga natatanging palabas sa pelikula at TV. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter, o pumunta sa
abscbnpr.com.