News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN Sports at MPBL, kasado na para sa ikatlong season

May 31, 2019 AT 05:29 PM

ABS-CBN Sports, MPBL strenghten ties for third season

After two phenomenal seasons of Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), ABS-CBN Sports and league chairman and founder Sen. Manny Pacquiao have forged a new partnership for the exclusive broadcast of the third season of MPBL, which opens on June 12.  

 
MPBL Lakan Cup, mapapanood ng overseas Filipinos
 
Pagkatapos ng dalawang matagumpay na taon, ipinagtibay muli ng ABS-CBN Sports at ng grupo ni Sen. Manny Pacquiao ang kanilang pagkakaisa para sa paghahatid ng ikatlong season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na lalarga na sa Hunyo 12.
 
Sa bisa ng pinirmahang kasunduan ng chairman at founder ng MPBL na si Sen. Pacquiao, ABS-CBN Sports LOB lead March Ventosa, ABS-CBN Sports head Dino Laurena, MPBL president Zaldy Realubit, at MPBL commissioner Kenneth Duremdes kahapon (Mayo 30), mapapanood na rin ang mga laban sa iba pang plataporma ng ABS-CBN Sports.
 
Simula sa paparating na MPBL Lakan Cup, ipapalabas na rin ang mga laro sa MPBL sa LIGA at LIGA HD sa cable, sa ibang bansa sa TFC, at livestreaming sa iWant at TFC Online (www.TFC.tv) bukod sa S+A at S+A HD.
 
“Nadinig namin ang kahilingan ng Pinoy basketball fans. Dadalhin natin ang aksyon sa MPBL sa mas maraming Pilipino sa free TV, cable, at online. Pati mga nasa ibayong dagat, masusundan at masusuportahan na ang kanilang mga koponan sa pamamagitan ng TFC,” sabi ni Laurena.
 
Nasaksihan sa nakalipas na mga taon ang pag-angat ng tinaguriang “Liga Ng Bawat Pilipino,” na ibinibida ang iba-ibang lugar sa Pilipinas at binibigyan ng pagkakataon ang mga bagong talento sa basketball. Laging dinadagsa ang mga laro nito dahil sa mga nais suportahan ang kanilang mga pambato.
 
Pagkatapos lamang ng isang taon, lumobo ang MPBL sa 26 teams mula 10 lang. Sa MPBL Lakan Cup, aabot na sa 31 ang koponang kasali, kabilang ang mga bagong salta mula sa Nueva Ecija, Bicol, at Mindoro mula Luzon, Iloilo para sa Visayas, at Sarangani mula sa Mindanao.
 
Abangan ang pagbubukas ng MPBL Lakan Cup ngayong Araw ng Kalayaan na mapapanood sa S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD, iWant Sports, at TFC. Para sa mga balita sa MPBL, sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE