News Releases

English | Tagalog

UAAP Football Final Four, paiinitin ang ABS-CBN S+A at iWant Sports

May 07, 2019 AT 10:06 AM

Matuldukan kaya ng DLSU ang paghahari ng UP?

Tiyak na magliliyab ang Rizal Memorial Coliseum sa nagbabadyang aksyon sa football field nito ngayong Huwebes (Mayo 9) para sa UAAP Men’s Football Tournament Final Four na mapapanood ng LIVE sa ABS-CBN S+A at iWant Sports simula 2 pm.
 
Haharapin ng kampeon na University of the Philippines (UP) Fighting Maroons ang pumapangatlong-pwestong De La Salle University (DLSU) Green Booters ng 2 pm. Samantala, magbabanggan naman ang nangungunang Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles kontra sa ika-apat na puwestong Far Eastern University Tamaraws ng 4 pm.
 
Hindi naging maganda ang simula ng taon para sa Ateneo sa football pero nakuha nila ang kanilang dating porma sa tulong ng football phenom na si Jarvey Gayoso para tapusin ang eliminations ng may 8-2-4 win-draw-loss na record at maungusan ang FEU na nangunguna noon. Hindi naman pinalad ang Tamaraws dahil dalawang-sunod na talo ang tumuldok sa kanila bago ang Final Four, rason para bumagsak sila sa ika-apat na puwesto.
 
Sa kabilang banda naman, kinailangan ng UP Fighting Maroons ang lahat ng kanilang mapipiga sa koponan para umabot sa Final Four sa magandang laro nina JB Borlongan at Kintaro Miyagi kontra FEU para pumasok sa ikatlong puwesto. Nasungkit naman ng mga kampeon ang ikalawang puwesto sa likod ng Ateneo nang talunin ng DLSU ang FEU sa tulong ng goal ng kanilang rookie na si Xavier Zubiri.
 
Maaasahan ng football fans na ibibigay ng FEU at DLSU ang lahat upang hindi sila matanggal sa laban para sa korona sa kanilang pagharap sa UP at Ateneo sa darating na Huwebes (Mayo 9).
 
Huwag palampasin ang nagbabagang aksyon sa pag-ere ng UAAP Men’s Football Final Four ng LIVE sa S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD, kasama ang livestream sa sports.abs-cbn.com at iWant Sports ngayong Huwebes (Mayo 9). Bubuksan ito ng UP-DLSU sa ganap na 2 pm at susundan naman ng bakbakang Ateneo at FEU ng 4 pm.
 
Para sa mga karagdagang istorya at balita sa UAAP Football at mga bituin nito, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE