Muay Thai superstars Nong-O and Petchdam, submission artists Shinya Aoki and Christian Lee, take to the cage this May!
Dating kampeon na si Geje Eustaquio, magbabalik sa Mayo 17
Isang pares nang eksplosibong Muay Thai world title na laban ang masasaksihan sa ONE Championship ngayong Biyernes (Mayo 10) sa pagsalang ng Muay Thai superstars na sina Nong-O Gaiyanghadao at Petchdam Petchyindee Academy sa “Warriors of Light” card na mapapanood ng LIVE sa ABS-CBN S+A, S+A HD, at iWant Sports ng 9:30 pm.
Sasabak ang dalawang mandirigma para sa ONE Muay Thai Bantamweight World Championship at ONE Flyweight Kickboxing World Championship. Makakalaban ni Nong-O ang Hapon na si Hiroaki Suzuki habang si Elias Mahmoudi naman ng Algeria ang magiging katunggali ni Petchdam.
Hindi naman diyan natatapos ang mga pasabog ngayong Mayo ng pinakamalaking fight promotions outfit sa Asya. Sa Mayo 17 naman, maghaharap sina Shinya “Tobikan Judan” Aoki at Christian Lee ng Singapore sa “Enter The Dragon” kung saan dedepensahan ni Aoki ang kanyang ONE Lightweight World Championship. Kaabang-abang din ang pagbabalik ng dating kampeon na si Geje “Gravity” Eustaquio sa hawla para sa ONE Flyweight World Grand Prix kontra kay Kim Kyu Sung ng Korea, at ang unang laban ni dating UFC fighter Sage Northcutt sa ONE Championship kontra sa Brazilian na si Cosmo Alexandre.
Bukod sa kanila, matutunghayan din ng Pinoy MMA fans ang magagaling na mandirigma sa Muay Thai at kickboxing tulad nina Giorgrio Petrosyon kontra kay Petchmorakot at ang Olandes na si Nieky Holzken kontra sa kababayan niyag si Regian Eersel sa magkasunod na fightcard ng ONE Championship.
Huwag palampasin ang dalawang eksplosibong handog ng ONE Championship na mapapanood sa S+A, S+A HD, at iWant Sports ng LIVE na sisimulan ng “Warriors of Light” ngayong Biyernes (Mayo 10) ng 9:30 pm. Mapapanood rin ang “Enter the Dragon” sa Mayo 17 ng 8:30 pm sa parehong TV, cable, at online.
Para sa mga karagdagang istorya at balita sa ONE Championship, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang
www.abscbnpr.com.