#PatawadPaalam, #1 on Spotify’s New Music Friday
Moira dela Torre has finally released her latest single,”Patawad, Paalam,” a collaboration with I Belong To The Zoo which will be part of her soon-to-be-launched “Paalam” album under Star Music and Cornerstone Music.
Inilabas na ni Moira dela Torre ang pinakabago nitong single na ”Patawad, Paalam,” na ginawa kasama si I Belong To The Zoo para sa ilulunsad na “Paalam” album ng Star Music at Cornerstone Music.
Inabangan ng mga fans ni Moira ang paglulunsad ng nakaka-antig na single, at nag-top pa ito sa Spotify Philippines New Music Friday pagka-release nito. Nag-trend naman ang #PatawadPaalam sa Twitter noong nakaraang Huwebes.
“I need a hug after hearing this😩☹️#PatawadPaalam,” tweet ni Rena @yna_jvllns, dahil sa sentimental na epekto ng bagong kanta.
Isa pang Twitter user na si @jkriesler ang nagbahagi ng kanyang reaksyon sa kanta. “I think that’s the most painful and saddest part of the song where most of the relationships were rooted to that reason and didn’t last for a long time, i cry ;-; #patawadpaalam,” saad nito.
Samantala, ayon kay Pat @ipatmini muling makikita ang galing sa paggawa ng kanta ng singer-songwriter sa bago nitong single. Sa tweet nito isinaad niya na, “She stole my heart again. Our hearts @moirarachelle4.”
Isinulat nina Moira, Argee Guerrero (I Belong To The Zoo), at Jason Marvin Hernandez ang “Patawad, Paalam” kasama ang Star Music audio content head na si Jonathan Manalo.
Kinikilala na pinakamalaking Pinoy artist ng 2018 si Moira sa dami nang nakuha nitong papuri sa kanyang musika kasama ang Spotify’ Most Streamed Local Artist at Most Streamed Female Artist. Malapit na din niyang ilunsad ang pangalawang full-length album at ang nalalapit niyang international album. Isa ang “Idol Philippines” judge sa mga Kapamilya artist na unti-unting pumapasok sa international music scene sa patuloy na pamamayagpag ng Pinoy talent sa pangdaigdig na entablado.
Itinanghal na New Artist at Bandarito Performance of the Year si I Belong To The Zoo sa MYX Music Awards na ginanap kamakailan.
Pakinggan ang “Patawad, Paalam” na pwede nang i-download sa mga digital stores. Mapapanood naman ang lyric video sa
Star Music YouTube channel. Para sa karagdagang detalye, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at i-follow sa Twitter at Instagram @StarMusicPH.