News Releases

English | Tagalog

Kapamilya love para sa isang 101-anyos na lola, tampok sa trending na ABS-CBN video

June 20, 2019 AT 11:41 AM

101-yr old lola fan relishes Kapamilya love in trending video with stars

ABS-CBN’s anniversary video featuring a 101-year old Kapamilya fan, which has already racked up over 830,000 views, continues to move and inspire people as it highlights love for family, especially for the elderly.

Bagong 65 years videos, ibibida ang kabutihan at katatagan ng Pilipino
 
Patuloy na naghahatid ng inspirasyon ang anniversary video ng ABS-CBN tampok ang isang 101-anyos na Kapamilya fan dahil sa pagpapakita nito ng pagmamahal sa pamilya, lalo na sa mga nakatatanda.
 
Mayroon nang mahigit 830,000 views sa Facebook at YouTube ang video, kung saan mapapanood ang pagbisita ng cast ng “Kadenang Ginto” sa Pampanga para makilala at makasama si Panfila “Mama Nene” Pingul, isang tapat na tagasubaybay ng Kapamilya network.

Ayon kay Mama Nene, napapasaya siya ng mga teleserye lalo na at nag-iisa na siya ngayon dahil nasa ibang bansa ang mga anak, samantalang may Alzheimer’s disease ang kanyang asawa.

“Masakit pala ang naiiwan,” aniya. “[Pero] sa panonood ng ABS-CBN, nakahanap ako ng makakasama.”
Hinandugan ng ABS-CBN si Mama Nene ng simple pero masayang selebrasyon ng Mother’s Day, kung saan nakakuwentuhan siya ng mga bida ng paborito niyang programa na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Dimples Romana, and Beauty Gonzalez.

Malaking pasasalamat ng apat na maka-bonding si Mama Nene, na nagbigay sa kanila ng magandang mga payo at alaala.

“Lagi po niyang sinasabi sa amin na be happy kasi marami nang problema ‘yung mga tao kailangan ikaw yung maging dahilan naa para maging masaya sila, para hindi na sila malungkot,” pagbabahagi ni Francine.

Dagdag ni Dimples, “Grabe ang sarap ma-meet ‘yung pinaka-Lola nating Kapamilya. She’s 101 years old and she watches all our shows mula sa paggising niya hanggang sa gabi. Parang nakakataba ng puso na maging parte ng buhay niya.”

Samantala, dalawa pang madamdaming kwento ang ibabahagi ng ABS-CBN sa pagpapatuloy ng selebrasyon nitong ika-65 taon nitong paglilingko sa sambayanang Pilipino.

Sa Huwebes (Hunyo 20), ipapalabas ang kwento ng mapagkawang-gawang si Paul Abubakar, ang may-ari at general manager ng Echano Dental Clinic, na nakipagtulungan sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya para mabigyan ng pustiso at maibalik ang mga ngiti ng isang grupo ng mga nanay na napanood niya sa “TV Patrol.”

Sa Biyernes naman, (Hunyo 21), makikita natin ang pagbabalik ng dating child star na si Zaijian Jaranilla sa Bacolor, Pampanga, kung saan kinukuhanan ang programa niya dati na “May Bukas Pa.” Bukod sa pagdalaw niya sa San Guillermo church, kung saan napapanood sina “Santino” at “Bro,” makakausap din niya ang mga residente doon na nagbago ang buhay dahil sa programa.

Abangan ang mga #Kwentong Kapamilya na ito ngayong Huwebes (Hunyo 20) at Biyernes (Hunyo 21) sa ABS-CBN pagkatapos ng “TV Patrol” at online sa Facebook page at YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa abscbnpr.com.