News Releases

English | Tagalog

Asianovela Channel fans, nakisaya sa pagbisita ni Korean superstar Park Bo Gum sa Manila

June 27, 2019 AT 10:04 AM

Asianovela Channel fans meet Korean superstar Park Bo Gum in Manila

Bogummies weren’t able to hide their joy when Asianovela Channel, the ultimate fanbayan on free TV on TVplus, made their dreams come through when they joined in welcoming one of Korea’s biggest stars to date, Park Bo Gum, last June 21 in an exclusive media conference for his “ May Your Everyday Be A Good Day” Asian Tour.

Hindi magkamayaw ang tuwa ng mga Bogummies na nakisaya sa Asianovela Channel, ang ultimate fanbayan on free TV na nasa TVplus, sa pagsalubong sa isa sa mga pinakamalaking star sa Korea ngayon na si Park Bo Gum nitong Hunyo 21 sa  eksklusibong media conference nito para sa kanyang “ May Your Everyday Be A Good Day” Asian Tour.
 
Ang mga “bogummies” o Park Bo Gum fans na sina Jasmin Salutem, Clarisse Canaveral , Sophia Mae Santos, Kristine Bolor, Donna Marivielle Castillo, Allyza Consulta, Jennifer Morfe, Ashley Raine Rodriguez, Monica Manjares at Rose Mary Abenoja ang sampung masusuwerteng Asianovela Channel fans ang nabigyan ng pagkakataong mapanood ang presscon ng kanilang idolo matapos sagutan ang “Question of the Day” sa Asianovela Channel Facebook page.  
 
“Hindi ako makapaniwala na nakita ko ng malapitan si Oppa Park Bo Gum! Masaya ako na nakasama ako dito sa event na ito. Maraming salamat sa Asianovela Channel para sa pagkakataon. Super worth it maging ACnatic!” saad ni Jennifer Morfe. 
 
Kakaiba talaga itong experience na ito para aming mga fans ni Park Bo Gum. Ibang klaseng feeling ang makita ng personal ang idol mo na dati pinapanood mo lang. Basta ang perfect niya, hindi ko ma-explain,”  pahayag pa ni Claire Canaveral.
 
Nagtanghal si Park Bo Gum para sa kanyang Filipino fans sa unang pagkakataon nitong Hunyo 22 sa Mall of Asia Arena para sa “Park Bo Gum: May Your Day Be A Good Day” Asian Tour. Ang produksyon sa Manila ay partnership sa pagitan ng ABS-CBN Events at Ovation Productions, kasama ang Blossom Entertainment.
 
Unang nakilala si Park Bo Gum sa “Love in the Moonlight” bilang isang prinsipe na ipinalabas sa ABS-CBN at Asianovela Channel.
 
Patuloy na sumubaybay sa Asianovela Channel, para sa mga paboritong Asian hits para sa Pinoy. Para sa karagdagang detalye, pumunta sa Asianovela Channel sa Facebook (fb.com/AsianovelaChannel).
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE