“Fantastica,” “Jack Em Popoy”, “Marry, Marry Me,” and more as Cinema One’s 25th year offerings
Maraming ka-abang-abang na pelikulang Pilipino ang nakatakdang umere sa Cinema One ngayong third quarter ng taon, tulad na lang ng “Fantastica,” “Jack Em Popoy,” “Marry, Marry Me,” at “Rainbow Sunset,” bilang handog ng cable channel sa patuloy na pagdiriwang ng ika-25 taong anibersaryo nito.
Ngayong Linggo (July 21), tampok ang Gonzaga sisters na sina Alex at Toni sa “Marry, Marry Me,” ang rom-com na pinagbibidahan nila kasama si Sam Milby.
Magdadala rin ang action-comedy blockbuster na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” ng katatawanan at saya ngayong buwan kasama sina Coco Martin, Maine Mendoza, at Vic Sotto.
Sa susunod na buwan, mapapanood sina Gloria Romero, Tony Mabesa, at ang yumaong si Eddie Garcia sa pelikulang “Rainbow Sunset.”
Samantala, magaganap na rin ang pinakahihintay na cable TV premiere ng “Fantastica” sa Agosto. Tampok sa top grossing movie ng Metro Manila Film Festival 2018 sina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Bela Padilla, at Vice Ganda.
Ilan pa sa mapapanood sa buwan ng Agosto ang “Sakaling Maging Tayo” at “One Great Love.”
Ipapalabas naman sa Blockbuster Sunday slot ang “Second Coming,” “Familia Blondina,” “ML,” “Kuya Wes,” at “Papa Pogi” sa buwan ng Setyembre.
Abangan ang mga pelikulang kabilang sa silver anniversary offering ng Cinema One: “Marry, Marry Me” na unang eere sa Linggo (July 21), “Jack Em Popoy” (July 28), “Rainbow Sunset” (August 4), at “Fantastica” (August 11) sa Blockbuster Sunday, 7pm. Unang beses ring ipapalabas ang documentary na “Bundok ng Banahaw” sa Miyerkules (July 17).
Mapapanood ang Cinema One sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Panoorin din ang 25
th anniversary theme song nito, ang “Laging Kasama,” sa
YouTube channel ng Cinema One. Sundan ang @Cinema1channel sa Facebook para sa karagdagang impormasyon.