News Releases

English | Tagalog

Original series na "Septic Tank 3" at "Mga Batang Poz," LizQuen's "Alone/Together" ng LizQuen sa iWant ngayong Hulyo

July 16, 2019 AT 11:45 AM

Originals "Septic Tank 3" and "Mga Batang Poz," LizQuen's "Alone/Together" arrive on iWant this July

iWant is bringing this July two original series and and LizQuen’s latest movie.

Isang bagong “Septic Tank” series, isang orihinal na advocacy series tungkol sa HIV, TNT Boys documentary, at ang pinakabagong LizQuen movie ang dadagdag sa mas mapangahas at nakakatuwang koleksyon ng digital movies at series ng streaming service na iWant ngayong buwan.
 
Ngayong Hulyo 17, mapapanood na ang pagbabalik ni Eugene Domingo sa inaabangang “Ang Babae sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken” na siguradong magpapahalakhak at kikiliti sa isipan ng iWant users simula Hulyo 17.
 
 

Isusulong din ng iWant ang kahalagahan ng tamang kaalaman tungkol sa human immunodeficiency virus (HIV) at pagpuksa sa panghuhusga sa mga “poz” o taong may HIV sa original series na “Mga Batang Poz,” tungkol sa apat na teenagers na may HIV. Base ito sa isang nobela at mapapanood na sa Hulyo 26.
 
 
 
Mainit-init din ang pagdating ng blockbuster movie nina Liza Soberano at Enrique Gil na “Alone/Together,” na ekslusibo na ngayong napapanood sa iWant sa pamamagitan ng pay-per-view. Sa halagang P30 lamang, mapapanood nang paulit-ulit ang pelikula kahit kailan at kahit saang device sa loob ng pitong araw.
 
 

Makakasabay naman ang iWant users sa byahe ng TNT Boys mula sa kanilang pagsisimula sa showbiz hanggang sa pagsikat sa buong mundo sa documentary series na “Little Big Trio” na mapapanood na simula Hulyo 31.
 
Isa pang bagong handog ng iWant ang mas madaling panonood ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa pamamagitan ng isang espesyal na edisyon o chaptering ng mga paboritong eksena ng numero unong TV show sa bansa.
 
Sa ngayon, mayroon nang tatlong milyong app downloads at 12.3 milyong users ang iWant. Nagtala rin ito ng 100 milyong views noong Hunyo, sa patuloy na panonood ng users ng mga paborito nilang Kapamilya shows at channels, pati na ng orihinal na digital movie na “MOMOL Nights” at seryeng “Past, Present, Perfect?” na pinuri at inirekomenda ng maraming netizens online.
 
Ang iWant ang natatanging streaming service sa bansa na may pinakamalaking kolesyon ng pelikula at palabas. Mapapanood nang libre dito ang iWant original movies at shows gaya ng “iWant ASAP,” “Spirits Reawaken,” “Alamat ng Ano,” “Ma,” “Laureen on a Budget,” “Everybody Loves Baby Wendy,” “High,” “The Gift,” “S.P.A.R.K.,” “The End,” “High,” “Allergy in Love,” “Hush,” “Project Feb. 14,” “Apple of My Eye,” “Touch Screen,” “Bagman,” “Jhon en Martian,” at “Mea Culpa: The Hidden Files.”
 
Handog din nito ang mga luma at kasalukuyang umeereng Kapamilya shows, 1,500 na pelikula, restored film classics, documentaries, Asianovelas, live digital concerts, sports events, news and current affairs programs, at ang livestreaming ng DZMM TeleRadyo, ABS-CBN Channel 2, at ABS-CBN S+A. Mapapakinggan din sa iWant ang libo-libong awitin ng sikat na Pinoy singers.
 
Ang iWant ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong pag-transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.
 
For updates, like www.facebook.com/iWant, and follow @iwant on Twitter and @iwantofficial on Instagram, and subscribe to www.youtube.com/iWantPH.