News Releases

English | Tagalog

PVL Semis showdown, LIVE mapapanood sa ABS-CBN S+A at iWant

July 02, 2019 AT 03:15 PM

Mula sa anim na koponan, apat na lamang ang natitira sa semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference na magsisimjla bukas ng Miyerkules (Hulyo 3) sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. Mapapanood ng fans ang live coverage sa S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD, at gamit ang streaming sa iWant ng 3 pm.
 
Nais pigilan ng PacificTown Army at BanKo Perlas ang nakikita ng marami na napipintong paghaharap ng kampeon nung 2018 na Creamline Cool Smashers at ang nangungunang koponan ngayon na PetroGazz Angels, na parehong nagtala ng kartadang 9-1. 
 
Haharapin ng Creamline ang PacificTown na puno ng mga beterana sa volleyball, na sinaraduhan ng pinto ang BanKo Perlas Spikers para sa ikatlong puwesto sa semis. Hindi pa tapos ang laban ng Spikers, na nakatakda namang harapin ang PetroGazz, na tanging nakatalo sa Creamline.
 
Sabi ng analyst na si Charo Soriano sa panayam noong Lunes (Hulyo 1) sa “The Score,” mas nakakatakot kalaban ang PetroGazz kung maipagpapatuloy ng setter nitong si Djanel Cheng ang magandang pagbigay ng bola sa mga kakampi niya sa pangunguna ng reinforcements na sina Wilma Salas at Janisa Johnson.
 
Samantala, nakikita naman ng kanyang kapwa-analyst na si Synjin Reyes ang pagsubok na haharapin ng Creamline kontra sa PacificTown Army dahil sa pinakitang husay ng import nito na si Olena Lymareva-Flink sa mga huling laro. 
 
Huwag palampasin ang pagsisimula ng semifinals sa pagitan ng defending champions Creamline Cool Smashers at PacificTown Army Lady Troopers at ng pares ng PetroGazz Angels kontra BanKo Perlas Spikers ngayong Miyerkules (Hulyo 3) mula sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. Mapapanood ang lahat ng laban ng LIVE sa S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD, at iWant simula 3 pm.
 
Para sa karagdagang impormasyon at mga kwento tungkol sa PVL, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.