The 2018 MMFF entry "Jack Em Popoy" finally airs on Cinema One!
Coco, Maine at Vic, may handog na aksyon at katatawanan ngayong Linggo
Mapapanood na ang kwela at maaksyong pelikula nina Coco Martin, Maine Mendoza at Vic Sotto na "Jack Em Popoy: The Puliscredibles" ngayong Linggo (July 28) sa Cinema One.
Tampok sa pelikula ang mag-amang pulis sina Popoy (Vic) at Em (Maine) na makikilala ang kapwa nila pulis na si Jack (Coco). Dahil sa isang kasong may kinalaman sa droga, mapipilitan ang tatlo na magtrabaho at tulungan ang isa't isa.
Umani ng indibidwal na papuri mula kay Michelle Anne Soliman ng BusinessWorld ang pagganap nina Coco at Maine sa kanilang mga karakter sa pelikula, dahil sa aniya'y nababagay at natural na pag-arte ng dalawa.
Humanga naman si Mario Bautista ng Journal Online kay Vic, dahil sa mahusay na pagganap nito sa mga sensitibo at emosyonal niyang eksena sa pelikula.
Mula sa direksyon ni Michael Tuviera, isa ang "Jack Em Popoy: The Puliscredibles" sa mga pinilahan noong 2018 Metro Manila Film Festival, kung saan naiuwi nito ang mga parangal na Best Editing at FPJ Memorial Award.
Bida rin sa pelikula sina Arjo Atayde at Ryza Cenon, kasama ang mga batikang aktor na sina Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache at Tirso Cruz III
.
Maging matagumpay kaya sina Jack, Em, at Popoy sa pagresolba ng kaso? Alamin sa "Jack Em Popoy: The Puliscredibles" ngayong Linggo (July 28), 7 PM sa Cinema One, na mapapanood sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Panoorin din ang 25th anniversary theme song ng Cinema One, ang “Laging Kasama,” sa YouTube. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.