As more and more users stream iWant’s line-up of originals, the streaming service is leaning into a spectrum of different genres with its new, star-studded original movies, series, and documentaries.
Habang parami nang parami ang nanonoood ng iWant originals, mas dumadami rin ang mapagpipiliang panoorin sa naturang streaming service matapos nitong ipakita ang mga bago at star-studded na original movies, series, at documentaries sa #ForeverKapamilya trade event ng ABS-CBN na ginanap kamakailan.
Rumampa sa entablado ang cast ng comedy series na “Call Me Tita” na kinabibilangan nina Agot Isidro, Angelica Panganiban, Cherry Pie Picache, Joanna Ampil, at Mylene Dizon sa kanilang performance ng “Dancing Queen” ng ABBA. Ipapalabas ang serye ngayong Agosto at itatampok ang kwento ng limang magkakaibang “tita,” na naghahanap ng kilig at mga bagay na kasasabikan sa buhay.
Muli namang magsasama ang “Kadenang Ginto” co-stars na sina Beauty Gonzalez at Seth Fedelin sa horror series na “Abandoned” bilang mag-ina. Gaganap si Beauty bilang isang security guard na guguluhin ng mga kaluluwang dadalhin niya sa bahay at guguluhin ang kanyang anak.
Magbabalik naman ang socio-political action drama series na “Bagman,” kung saan ipagpapatuloy ni Carlo Aquino ang laban para umangat sa mundo ng pulitika at katiwalian.
Magsasama naman sa unang pagkakataon sina Derek Ramsay at Jessy Mendiola sa action-drama film na “Mga Mata sa Dilim,” habang bibida naman si Elisse Joson sa “You Have Arrived,” na susuungin ang mga panganib ng social media.
Dadagdag din sa palaki nang palaking koleksyon ng iWant ang family drama na “Kargo” tampok sina Rio Locsin at Markus Paterson, ang “Loving Emily” ni Iza Calzado, ang “Story of My Life” ni Zaijian Jaranilla, at ang “Taiwan That You Love” ni Barbie Imperial.
Dalawang documentary series naman ang dapat na abangan ng iWant users – ang “TNT Boys: Journey to the World Stage” at “The Last Manilaners: A Quezon’s Game Documentary.”
Bukod sa pagkakaroon ng pinakamalaking kolesyon ng Pinoy movies, shows, at live events, nakapag-release na ang iWant ng 23 original movies at series kada buwan mula nang inilunsad ito noong Nobyembre 2018 – patunay na unti-unti nitong binabago ang Filipino entertainment landscape sa larangan ng pagpoprodus ng digital content.
Ang iWant din ang namumukod-tanging streaming platform sa bansa na naglalabas ng originals na patok sa panlasa ng Pinoy, matapos ang mainit na pagtanggap ng iWant users at mga papuring inani ng “Glorious,” “Bagman,” “Past, Present, Perfect?,” “MOMOL Nights,” “Ang Babae sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken,” at “Mga Batang Poz.”
Abangan ang mga kapanapanabik na originals na ito sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph. Para sa updates, i-like angwww.facebook.com/iWant, sundan ang follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial at @dreamscapedigital sa Instagram, o mag-subscribe sawww.youtube.com/iWantPH.