News Releases

English | Tagalog

"Radical Love" ng ABS-CBN DocuCentral, mapapanood na sa iWant

July 08, 2019 AT 06:19 PM

ABS-CBN's "Radical Love" now streaming on iWant

ABS-CBN’s new documentary “Radical Love,” which earned praises from netizens for its raw and sensitive depiction of actress Cherry Pie Picache’s story of tragedy and forgiveness, is now streaming on iWant. The documentary, which trended on Twitter when it premiered on ABS-CBN Sunday’s Best last July 7, revisits the 2014 murder of Cherry Pie’s mother Zenaida Sison, who was found lifeless with multiple stab wounds inside her home.

Kwento ng pagpapatawad ni Cherry Pie, pinuri ng mga netizen

 
Mapapanood na sa iWant ang bagong dokumentaryo ng ABS-CBN DocuCentral na “Radical Love,” na pinuri ng mga manonood sa  mahusay na paglalahad nito ng kwento ng trahedya at pagpapatwad ng aktres na si Cherry Pie Picache. Ipapalabas din ang dokumentaryo, na nag-trending pa sa Twitter, sa Hulyo 14 ng 7 pm sa DZMM TeleRadyo at sa Hulyo 15 ng 7 pm sa ANC.
 
Binalikan ng “Radical Love” ang trahedya noong 2014, nang matagpuang patay sa pananaksak ang ina ng beteranong aktres sa bahay nito sa Quezon City. Ipinakita sa dokumentaryo ang pagluluksa ni Cherry Pie at kung paano siya dinala ng kanyang pananampalataya sa desisyong patawarin ang pumaslang sa inang si Zenaida Sison.
 
Pinuri ng mga netizen ang dokumentaryong gawa ng ABS-CBN DocuCentral, una para sa desisyon ni Cherry Pie na ikwento ang kanyang pinagdaanan at para rin sa magandang pagkakagawa nito.
 
Sabi ng kilalang direktor at producer na si Joey Javier Reyes sa isang Twitter post na kahanga-hanga ang ginawang pagpapatawad ni Cherry Pie dahil hindi raw madali ang magpatawad, lalo na sa taong kumitil sa buhay ng isang mahal sa buhay.
 
“Just saw the documentary RADICAL LOVE in IWant. @Yescppicache finds the greatness of heart and the guidance of the Almighty to forgive the man who murdered her mother. This had me realizing the power of forgiveness. Watch it. #RadicalLove,” aniya.
 
Pinuri naman ng Twitter user na si Mond Sikawat ang mga gumawa ng “Radical Love.”
 
“ABS-CBN's #RadicalLove has a very good storytelling treatment. Those video supports na akala ko re-enactment which I initially thought na off ay later on revealed na BTS pala. Nice! Very raw din. Congrats, DocuCentral Team,” aniya.
 
Sa special screening ng “Radical Love” sa Dolphy Theater ng ABS-CBN noong nakaraang Linggo, ikinuwento ni Cherry Pie na nagdalawang-isip siya sa pagbabahagi ng kanyang kwento, ngunit nanaig ang kagustuhan niyang matulungan din ang ibang dumaraan sa sitwasyong katulad nito.
 
“Sana ay maalala natin kung ano ang tunay na pagmamalasakit, walang pasubali na pagmamahal, at pagpapatawad. Sana maalala rin natin na bigyang halaga at respeto ang kahit anong uri ng buhay. Para ito sa aking pamilya at sa lahat ng pamilya ng biktima ng mga matinding krimen,” aniya. 
 
Maaari pang panoorin ang dokyumentaryong “Radical Love,” na gawa ng award-winning na ABS-CBN DocuCentral sa online sa iWant.ph o sa iWant app. Ipapalabas rin ito sa DZMM TeleRadyo sa Hulyo 14 ng 7 pm at sa ANC sa Hulyo 15 ng 7 pm. Para sa mga update tungkol sa mga dokyu i-follow ang @DocuCentral sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.