PetroGazz, nais sungkitin ang korona ng Creamline…
Maghaharap na ang Creamline at PetroGazz sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference Finals na magsimula ngayong Miyerkules (Hulyo 10) sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. Mapapanood ng fans ang live coverage ng ABS-CBN Sports sa S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD, at via streaming sa iWant simula 3 pm.
Pinatotoo ng nagrereynang Cool Smashers and match-up na inaasam ng fans nang kanilang walisin sa semifinals ang PacificTown Army Lady Troopers noong Sabado (Hulyo 6). Nakapasok naman sa kanilang unang Finals ang Angels nang talunin nila ang BanKo Perlas Spikers. Maghaharap naman ang Lady Troopers at Perlas Spikers para sa ikatlong puwesto ng 3 pm, habang gaganapin ang Game 1 ng Finals simula 5 pm.
Pagkatapos tambangan ng Angels sa kanilang pinakaunang laro, rumatsada ang Cool Smashers sa sunod-sunod na panalo, kasama ang nag-iisa ring talo ng PetroGazz.
Sa isang panayam sa “The Score” noong Biyernes (Hulyo 5), sinabi ng analyst na si Mozzy Ravena na mahirap talunin ang Cool Smashers lalo na’t maganda ang laro ng mga import nitong sina Kuttika Kaewpin at Ale Blanco, na dadagdagan pa ng lakas nina Alyssa Valdez at Jema Galanza. Dagdag pa ng kapwa analyst na si Fille Cainglet-Cayetano, hindi lang opensa ang kinahusay ng mga kampeon ngunit pati rin ang kanilang depensa na minamando ng mga libero nilang sina Melissa Gohing at Kyla Atienza.
Sa kabilang dako naman, import rin ang inaaasahan ng Angels sa pinagsamang atake nina Wilma Salas at Janisa Johnson, na tinutulungan din ng mga tulad nina Cherry Nunag. Ayon kay Ravena, bawat laro ng PetroGazz, tiyak na nangunguna ang kanilang mga import pero may nagpapakitang-gilas rin na local. Bukod sa tatlo, maaari pa nilang asahan sina Stephanie Mercado at Jeanette Panaga na kapwa beterano at sanay na lumaban para sa kampeonato.
Huwag palampasin ang unang laro ng PVL Reinforced Conference Finals na kinatatampukan ng defending champion Creamline Cool Smashers kontra PetroGazz Angels ngayong Miyerkules (Hulyo 10) sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. Mapapanood ang lahat ng laro ng LIVE sa S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD, at iWant simula 3 pm sa Battle for Third ng PacificTown Army at BanKo Perlas.
Para sa karagdagang impormasyon at mga kwento tungkol sa PVL, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.