News Releases

English | Tagalog

Jin Macapagal of Cebu named Ultimate Bidaman of "It's Showtime"

August 10, 2019 AT 06:00 PM

Jin Macapagal ng Cebu, unang Ultimate Bidaman ng "It's Showtime"

Si Jin Macapagal ang itinanghal na Ultimate Bidaman at bagong aabangang leading man sa ng “It’s Showtime” noong Sabado (Agosto 10).

Si Jin Macapagal ng Cebu ang pinakanakitaan ng potensyal na susunod sa yapak ng kanyang mga iniidolong artista matapos siyang tanghaling Ultimate Bidaman sa “Bidaman: The Big Break” grand finale ng “It’s Showtime” noong Sabado (Agosto 10).

 

Si Jin, 24, ang namayagpag laban sa 11 na iba pang grand finalists sa iba’t ibang challenges na sinubok ang kanilang kakayahan sa pag-arte, koneksyon sa audience, at stage presence.

 

Sinelyuhan ni Jin ang pwesto niya sa kumpetisyon matapos niyang makakuha ng average score na 8.9 sa huling “The Spotlight” challenge kung saan kinailangan nilang umarte nang mag-isa gamit ang kanilang sariling piyesa. Tinalo niya ang kapwa top 3 contenders na sina Eris Aragoza (8.6) at Jiro Custodio (8.3).

 

Dahil sa kanyang performance at looks, tinawag siya ng huradong si Edu Manzano na “young Rico Yan.”
 

Ultimate Bidaman Jin Macapagal delivers his piece in "The Spotlight," the final challenge in the Bidaman grand finale

 

Ibinida rin ni Jin ang husay niya sa pakikipagsabayan sa aktingan kasama ang isang leading lady sa “Matinee Matibay” challenge, kung saan nakaeksena niya ang aktres na si Jane Oineza. Ipinamalas din ni Jin, na isang physical therapy graduate, ang galing niya sa pagsayaw sa unang “Bida Moves” challenge.

 

Bilang Ultimate Bidaman, wagi si Jin ng P1 milyon, isang management at movie contract sa ABS-CBN, isang bagong pick-up truck mula sa SsangYong, house and lot mula sa Lumina, at role sa MMFF movie nina Anne Curtis at Vice Ganda.

 

Nakakuha naman ng tig-P100,000 ang runners-up na sina Eris at Jiro, samantalang nanalo ng tig-P20,000 ang iba pang grand finalists.

 

Kasama sa mga huradong kumilatis sa Bidaman grand finalists sina Angel Locsin, Nadine Lustre, Joshua Garcia, Ian Veneracion, Edu Manzano, ABS-CBN TV production narrative head Ruel Bayani, at ang head hurado at “It’s Showtime” director na si Bobet Vidanes.

 

Maraming netizens naman ang sumubaybay sa pagkapanalo ni Jin at tagisan ng grand finalists dahil nag-trend sa buong mundo at sa Pilipinas ang hashtag na #BidamanTheBigBreak sa Twitter.

 

Dapat naman na abangan ng mga manonood ang bagong segment na “Mr. Q & A” sa numero unong noontime show sa bansa.

 

Huwag palampasin ang good vibes na hatid ng “It’s Showtime,” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para panoorin ang episodes ng programa, i-download lang ang iWant app (iOS at Android) o mag-register sa iwant.ph.