News Releases

English | Tagalog

12 na eskwelahan, maglalaban sa 2019 PVL Collegiate Conference sa iWANT

August 15, 2019 AT 11:36 AM

12 teams vie for 2019 PVL Collegiate Conference on iWant

Volleyball fans can expect their favorite players to be leading the charge for their favorite teams like Ponggay Gaston (ADMU), Regine Arocha (AU), Eya Laure (UST), Lycha Ebon (FEU), Bianca Tripoli (UPHSD), Joyce Sta. Rita (SSC-R), Ella and Nieza Viray (SBU), Rocelyn Hongria (LPU), Marie Simborio (CSJL), Rachel Austero (CSB), Chiara Permentilla (AdU), and Michelle Gamit (TIP).

Ateneo, Arellano, mangunguna sa mga koponang kalahok…

Magsisimula na sa Sabado (Agosto 17) ang Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Collegiate Conference tampok ang 12 sa pinakamahuhusay na koponan sa kolehiyo na pinangungunahan ng kampeon ng UAAP Season 81 Women’s Volleyball na Ateneo De Manila University (ADMU) Lady Eagles, at ang mga reyna ng NCAA Volleyball sa nakaraang tatlong taon na Arellano University (AU) Lady Chiefs.
 
Tatakbo kasabay ng Open Conference ang Collegiate Conference para magbigay-daan sa nalalapit na Southeast Asian Games na magsisimula sa Nobyembre. Magkakatoon ng tatlong laro kada match day kung saan mapapanood ng LIVE sa iWant at sports.abs-cbn.com ang pangatlong laban tuwing alas-dose ng tanghali.
 
Kahit na hindi kasali ang kampeon sa 2018 PVL Collegiate Conference na University of the Philippines (UP) Lady Maroons ngayong taon, tiyak na mainit pa rin ang mga darating na laban. Kasama ng Lady Eagles sa Group A ang San Beda University (SBU) Lady Red Spikers, Adamson University (AdU) Lady Falcons, San Sebastian College-Recoletos (SSC-R) Lady Stags, Univ. of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) Lady Altas, at Colegio de San Juan De Letran (CSJL) Lady Knights. Samantala, AU ang mangunguna sa Group B, na kinabibilangan ng Technological Institute of the Philippines (TIP) Lady Engineers, Lyceum of the Philippines University (LPU) Lady Pirates, Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws, University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses, at College of St. Benilde (CSB) Lady Blazers.
 
Sasabak sa isang single round robin eliminations ang mga koponan kung saan maghaharap naman ang top two ng bawat grupo sa best-of-three crossover semifinals. Maghaharap ang mananalo sa semifinals para sa Gintong Medalya sa isa pang best-of-three na serye habang paglalabanan ng mga matatalo ang Tansong Medalya sa isang knockout match.
 
Aasahan ng fans na magpapakitang-gilas ang kanilang mga paboritong kolehiyala tulad nina Ponggay Gaston (ADMU), Regine Arocha (AU), Eya Laure (UST), Lycha Ebon (FEU), Bianca Tripoli (UPHSD), Joyce Sta. Rita (SSC-R), Ella at Nieza Viray (SBU), Rocelyn Hongria (LPU), Marie Simborio (CSJL), Rachel Austero (CSB), Chiara Permentilla (AdU), at Michelle Gamit (TIP).
 
Huwag palampasin ang pagbubukas ng PVL 2019 Collegiate Conference simula Sabado (Agosto 17) kung saan mapapanood ang ikatlong laro online sa iWant at sports.abs-cbn.com ng alas-dose ng tanghali.
 
Para sa karagdagang impormasyon at mga kwento tungkol sa PVL, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com..
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE