News Releases

English | Tagalog

"The Killer Bride" tinutukan ng mas marami ang pagsisimula

August 15, 2019 AT 01:42 PM

Agad na humataw sa national TV ratings ang pilot episode ng pinakabagong Kapamilya serye na “The Killer Bride” sa pagpapakilala nito sa manonood kay Camila (Maja Salvador) at ng kanilang matamis ngunit masalimuot na pagmamahalan ni Vito (Geoff Eigenmann) noong Lunes (Agosto 12).

Nagkamit ito ng national TV rating na 23.1% kumpara sa 10.1% na nakuha ng “Love You Two,” ayon sa datos ng Kantar Media. Pinag-usapan din online ang pilot episode ng serye kaya nanguna sa listahan ng trending topics sa Twitter ang official hashtag nito na #TheKillerBrideFirstDance.

Umpisa pa lang ng kwento ngunit sunod-sunod na pagdurusa na ang pinagdaanan ni Camila dahil matapos ang kanyang pagkakakulong sa salang pagpatay sa kapatid ni Vito, nasunog ang kulungang kanyang kinalalagyan na nauwi sa kanyang pagkamatay at pagkahiwalay sa kanyang anak.

Sa pagkawala niya, isang tao ang magdadala ng pagbabago sa Las Espadas—si Emma (Janella Salvador) na siyang magbabalik ng alaala ng kinakatakutang killer bride.

Umani rin ang palabas ng magagandang komento mula sa mga manonood na hindi napigilang ibahagi ang kanilang papuri online.

“My gosh! Maja Salvador’s acting was beyond amazing! She’s a topnotch phenomenal actress when it comes to drama. Pilot episode pa lng ‘yun ha! Binusog niya agad ang viewers,” tweet ni @coffeeholic16.

“Just watched the pilot episode of #TheKillerBride on @iwant. Grabe sobrang ganda at ang lakas pa ng chemistry nina Maja and Geoff. Ang powerful ng cast nila. Congrats @ABSCBN,” sabi ni @Dkenangeles.

“Yung first episode pa lang grabe na luha ko. Galing talaga ni Maja, tapos si Geoff grabe bagay talaga sa kanya ‘yung nga ganung character,” dagdag pa ni @ShielaLaLa02.

Panoorin ang “The Killer Bride” gabi-gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow lang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).