News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN TVplus Go available na sa mas maraming tindahan nationwide

August 29, 2019 AT 02:08 PM

Mas magiging magaan na ang byahe ng maraming Pilipino commuters dahil nasa maraming outlets na nationwide ang ABS-CBN TVplus Go na  maghahatid ng saya sa bawa’t byahe.

Bukod sa Cellboy, Celltime, at SM Mall Information Booths, mas pinarami na ang mga tindahan kung saan makikita ang TVplus Go. Kabilang na rin sa listahan ng major outlets ang SM Hypermarket, SM Savemore, SM Department Store Gadget Hub, SM Business Center, SM Appliance, Robinson’s Appliance, Abensons, Villman, Silicon Valley, DIY, Handyman, at Puregold.

Inilunsad noong Hunyo ng ABS-CBN, ang unang network sa bansa na naging digital, ang ABS-CBN TVplus Go na isang device na sumasagap ng digital TV signal para makapanood ang isang user ng mga palabas ng ABS-CBN at ibang channels nito na hindi gumagamit ng mobile data sa pamamagitan lang ng pagkabit nito sa kanilang Android smartphones.

Gamit ang TVplus Go, masusubaybayan na ng mga Pilipino ang kanilang mga paboritong Kapamilya shows at channels kahit nasa gitna sila ng byahe. Bukod sa mga programa ng ABS-CBN, matututukan din ng mga Pilipino ang sports shows sa ABS-CBN S+A at lagi silang may alam sa mga nagbabagang balita sa DZMM TeleRadyo.

Mapapanood din nila na sa kanilang Android phones ang mga nakakatawa at maaksyong blockbusters sa CineMo at magpapakilig din sa kanila ang K-Dramas na nasa Asianovela Channel.

Pwede rin nilang balikan ang mga dating magagandang palabas sa Jeepney TV, panoorin ang latest music videos sa MYX, at pumili ng mga produktong pambahay at iba pa sa O Shopping. Kinukumpleto naman ng Knowledge Channel at ng children’s channel na YeY ang listahan ng channels na nasa TVplus Go.  

Para magamit ang ABS-CBN TVplus Go, kailangan lang i-download ang ABS-CBN TVplus Go App sa Google Play Store, i-connect ang ABS-CBN TVplus Go sa Android USB OTG (on-the-go) phone, at mag-register online para makuha ang mas maraming channels.

Gumagana o compatible ang TVplus Go sa USB-OTG Android phones na may micro USB port na may data support. Kabilang din sa minimum requirements ang pagkakaroon ng Android 5.0 o mas mataas na operating system, at least 1GB RAM, at dual-core processor.

Mabisa ang ABS-CBN TVplus Go sa areas kung saan available ang digital TV signal, kabilang na ang Metro Manila, Rizal, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Batangas, Tarlac, Pangasinan, Baguio City, Cavite, Laguna, Iloilo City, Bacolod City, Metro Cebu, Cagayan de Oro City, at Davao City.  Available ito sa presyong P799.