The sexiest May-December love affair of the year…
Matapos makatanggap ng mga papuri bilang opisyal na entry sa 2019 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, mapapanood na ng mas maraming Pinoy ang pinakamainit na pag-iibigan sa big screen ngayong taon sa pelikulang “Belle Douleur” na ipapalabas na sa mga sinehan sa buong bansa simula Agosto 14.
Pinagbibidahan ng multi-awarded actress na si Mylene Dizon at ng hottest young actor ngayon na si Kit Thompson, ang “Belle Douleur” ang unang pelikulang idinirek ni Atty. Joji Alonso matapos siyang makilala sa pagpoprodus ng mga pelikula sa Quantum Films.
Ginagampanan ni Mylene si Elizabeth, isang 45 anyos na career woman na kuntento nang mabuhay mag-isa at hindi na mag-asawa pa.
Pagkatapos pumanaw ng kanyang ina, kukumbinsihin siya ng mga kaibigan niyang gumawa ng hindi niya pa nasusubukan. Makikilala niya si Josh (Kit), isang kolektor ng mga antique items na 20 taon ang bata sa kanya.
Sa kabila ng agwat sa edad, matututunan nilang mahalin ang isa’t isa at matuturuan ni Josh si Elizabeth na hindi pa huli para umibig.
Ngunit maaaring manganib ang nabuo nilang relasyon dahil may mga pangarap pa si Josh na ayaw nang pakialaman ni Elizabeth.
Ang “Belle Douleur” (“magandang kirot” sa French language) ay isinukat ni Therese Cayaba.
“The subtlety of it is what makes this film so worthy… Belle Douleur is definitely one of the must-see entries for #cinemalaya2019, mahuhusay ang mga actors, leads, or supporting cast, malinis ang directing ni Atty. Joji, at may lalim at puso ang istorya,” sabi ng Instagram movie critic na si @magandabamovie.
Papuri rin ang ipinost ng Twitter user na si @jueliand na nagsabing, "Belle Douleur centers on how the mind should be over one's heart. Camera angles were commendable, the colors were pleasant. Soundtrack was great. Mylene and Kit offered something fresh."
"Great performances by main characters, great direction by Atty. Joji Alonso. Watch from beginning please!" sabi naman ni @Renmare sa Twitter.
Ang “Belle Douleur” ay ipinrodus ng Quantum Films at iWant. Mapapanood na ito sa mga sinehan sa buong bansa simula Agosto 14.