After the success of "Catching Feelings," Inigo drops another single, this time with Singaporean artist Akasha.
Talaga namang patuloy ang paggawa ni Inigo Pascual ng magagandang musika, lalo na sa paglulunsad ng bago niyang awitin na "Adios," kasama ang Singaporean hip-hop/R&B artist na si Akasha.
Kababalik lang ni Inigo mula sa kanyang tour noong isang buwan sa Amerika at Canada para sa kanyang international single na "Catching Feelings" at nito lang Hunyo, inilabas din niya ang kantang "Options" na title track ng kaabang-abang niyang LP.
Hindi na bago si Inigo sa pakikipag-collaborate sa mga musikero mula sa ibang bansa. Nitong unang bahagi ng taon, nakipagsanib-pwersa naman siya sa Chinese Australian singer na si Wengie para sa kantang "Mr. Nice Guy."
Ayon kay Inigo, marami na siyang natutunan sa mga ginagawa niyang kolaborasyon. "Yung hindi mo lilimitahan yung sarili mo sa iisang tunog, mag-expand saka mag-grow bilang artist saka hayaan mo yung sarili mo na sumubok ng ibang bagay sa labas ng comfort zone mo."
Ang "Adios," na binuo sa ilalim ng Star Music, ay tumatalakay sa pagtatapos ng isang masamang relasyon. Ibinibida ng kanta ang pamilyar na tunog-pop ni Inigo, na mas lalo pang pinaganda ng indayog ng pagra-rap ni Akasha.
"Adios" is actually a single by Singaporean artist Zadon, it's written in Mandarin tapos inisip namin kung paano mailo-localize sa Philippines so in-adapt ko yung lyrics and we added a new part, then dinagdag namin si Akasha who is talent na dine-develop ng Academy of Rock Singapore at naging perfect match sila for this project," paliwanang si Star Music audio content head Jonathan Manalo.
Ang papausbong na artist mula Singapore na si Akasha ay nagsimula bilang estudyante ng Academy of Rock, kung saan mas nahasa niya ang kanyang mga abilidad. Sa ngayon, isa na siya sa mga hinahangaang babaeng hip-hop/R&B artist sa Singapore na pinagsasama ang talento sa pag-awit at pagra-rap.
Sang-ayon si Akasha na panahon na para makilala ang musika mula Asya sa buong mundo. “It's definitely a good time for us to be out there, and I feel like they are more interested in Asian music now because we're so diverse, we bring a different flavor, it's unique."
Ang kolaborasyong ito ay mas pinagtitibay ang patuloy na pagtahak ni Inigo sa international music scene, na bahagi pa rin ng inisyatibo ng ABS-CBN na ipakilala ang talento ng mga Pilipino sa buong mundo.
Iwanan na ang bad vibes at pakinggan ang "Adios" nina Inigo at Akasha sa Spotify, Apple Music at iba pang digital stores. Panoorin din ang music video nito sa MYX sa
YouTube channel ng Star Music. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph at i-follow ito sa Twitter at Instagram sa @StarMusicPH.