News Releases

English | Tagalog

Para sa Bantay Bata 163 founder na si Gina Lopez, lahat nagsisimula sa pagmamahal sa mga bata

September 13, 2019 AT 11:24 AM

“The children are our future. If you do not love them, no one will love the future generations.” Ito ang mga salitang mula sa Bantay Bata 163 founder na si Gina Lopez na tumatak kay Krystine Dale Jimenez, isang senior social worker na naging bahagi na ng organisasyon mula pa noong 2005.
 
Ito rin ang mga salitang gumabay sa Bantay Bata 163 sa loob ng 22 taon.
 
Sa kanyang pamamalagi sa Bantay Bata 163, ipinakita ni Gina sa lahat kung paano bigyan ng aruga ang bata. “The number one thing that we learned from her is to respect the child, because they come from different backgrounds and you have to treat them as your own,” saad ni Loreta Ann Trinidad, isang medical officer na nagtratrabaho sa Bantay Bata mula pa noong 2000.
 
Dahil sa pagmamahal naipamalas ni Gina, libo-libong kabataan na ang nabigyan ng kalinga na parang kapamilya sa Bantay Bata 163.
 
Naging malaki ang papel ng Bantay Bata 163 sa paghulma ng paningin ng Pilipino sa mga batang nangangailangan dahil sa mga proyekto nito. “Aside from rescue operations, we have advocacy campaigns that we bring to the barangay level, allowing us to bring our lectures, and awareness campaigns even to parents. We even have children’s activities,” saad ng Bantay Bata 163 senior social worker na si Krystine Dale Jimenez.
 
Hindi na lang isang crisis center ang Bantay Bata 163 ngayon, isa na siyang organisasyon na may mga programa na nahahati sa apat na sangay – Bantay Proteksyon, Bantay Edukasyon, Bantay Kalusugan, at Bantay Pamilya. Dagdag pa rito ang isang Children’s Village kung saan dinadala ang mga naligtas na bata at binibigyan ng iba’t- ibang activities na makakatulong sa kanilang pagtanda.
 
Naniwala rin si Gina na ang pagmahahal sa kalikasan ay nagsisimula rin sa pagmamahal sa bata dahil sila ang inspirasyon ng mga nakakatanda para masiguro na magkaroon ng isang magandang lipunan na ligtas rin sa kapahamakan.
 
Nakapagtayo si Gina ng tatlong foundation na may magkakaugnay na adbokasiya  – Bantay Bata 163, Bantay Kalikasan, at ang I LOVE Foundation. Ang huling organisasyon ay naglalayon na makabuo ng mga komunidad na hindi lamang maayos ang kabuhayan, kundi maganda rin ang kapaligiran. Dahil sa mga organisasyon na itinayo niya, pinakita nya kung ano ang mga katangian ng tunay na maayos na lipunan.
Bilang paggunita sa pagmamahal na pinakita ni Gina sa mga kabataan, inilunsad ng ABS-CBN ang 163 Heart icon. Sa binigay niyang inspirasyon, hindi lamang sa pagsabi ng 1-4-3 maipaparating ang “I Love You.” Dahil nagsilbing tahahan ng mga kabataan at ng kanilang kinabukasan ang kanyang puso, mas ipinakita ni Gina na ang pagnmamahal ay katumbas ng mga numerong 163. Dahil dito, bibigyang pugay ang kanyang buhay at pamana sa darating na ABS-CBN Ball na gaganapin sa Sabado.
 
Sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN sa Twitter, ang nasabing icon ay lalabas sa mga social media post sa tuwing gagamitin ang mga official hashtag ng ABS-CBN Ball na #RoadtoABSCBNBall and #ABSCBNBall2019.
 
Ang 2019 ABS-CBN Ball live red carpet coverage ay mapapanood sa Sabado, ika-14 ng Setyembre, 6:00 PM sa Metro Channel at absbnball.com. Mapapanood rin ito abroad sa TFC.tv.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE