News Releases

English | Tagalog

Violeta at Julius, pinakabagong "Tawag ng Tanghalan" grand finalists

September 02, 2019 AT 10:08 AM

Violeta and Julius named latest "Tawag ng Tanghalan" grand finalists

Violeta Bayawa of Dipolog, Zamboanga del Norte and Julius Cawaling of Bacoor, Cavite were hailed as the newest grand finalists of "Tawag ng Tanghalan."

Wagi sina Violeta Bayawa ng Dipolog, Zamboanga del Norte at Julius Cawaling ng Bacoor, Cavite bilang pinakabagong grand finalists ng "Tawag ng Tanghalan" sa "It's Showtime" matapos manaig ang kanilang boses sa buong linggong Quarter 4 semifinals na nagtapos noong Sabado (Agosto 31).

Nanguna ang combined score na 88.82% ng fan favorite na si Violeta, 70, mula sa madlang people votes at hurado scores matapos siyang magbigay ng makapagdamdaming bersyon ng "Saan Ka Man Naroroon" at paiyakin ang studio audience, mga hurado, at mga manonood nang makita ng kanyang anak sa unang pagkakataon ang ama nito, ang unang asawang minamahal niya pa rin hanggang ngayon.

Sumunod naman si Julius, na parte ng isang bandang tumutulong sa mga mahihirap na batang makabili ng school supplies, sa combined score niyang 61.61%. Ito ay matapos din siyang puriin para sa performance niya ng "Titanium" ng huradong si Ogie Alcasid na sinabing pagaling nang pagaling ang 38 anyos na bandista.

Parehong nanalo ng tig-P150,000 ang dalawa at ng pagkakataong maging grand champion ng kasalukuyang taon ng "Tawag ng Tanghalan," laban ang iba pang grand finalists na sina Elaine Duran, Ranillo Enriquez, John Mark Saga, John Michael Dela Cerna, Charizze Arnigo, at Jonas Oñate.  

Tuloy-tuloy ang sorpresa ng “It’s Showtime” para sa madlang people dahil patuloy pa rin countdown ng programa para sa ikasampung anibersaryo nito na magaganap sa Oktubre.
 
Kasama na rito ang pagbubukas ng matinding labanan para sa pangarap sa "Instant Rebak" week ng "Tawag ng Tanghalan" sa Lunes (Setyembre 2), kung saan maghaharap ang 16 instant resbakers na pambato ng mga hurado.

Patuloy na subaybayan ang pasiklaban sa kantahan sa “Tawag ng Tanghalan,” sa “It’s Showtime” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/TawagNgTanghalan o sundan ang @tntabscbn sa Twitter. Para naman mapanood ang episodes ng programa, mag-download ng iWant app (iOs at Andoid) o mag-register sa iwant.ph.