News Releases

English | Tagalog

Kapamilya stars, nagpasaya sa GenSan Tuna Fest

September 20, 2019 AT 10:19 AM

Kapamilya stars make a splash at GenSan Tuna Fest

The stars of the hit teleserye “The General’s Daughter” proved that a packed schedule is not a problem as they squeezed in time to bond with Kapamilyas in General Santos to join in the city’s celebration of the annual Tuna Festival for the abundant harvest of fish in Sarangani Bay.

Cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” lilipad pa Naga para sa Penefrancia Fest next week


 
Naglaan ng oras ang mga bituin mula sa hit seryeng “The General’s Daughter” para makipag-bonding kasama ang mga Kapamilya sa General Santos sa taunang Tuna Festival ng siyudad.

Nagpatili sa higit 2,000 Kapamilya sa KCC Mall Events Center ang love team nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, habang naghatid naman ng saya ang gwapong tandem nina Arjo Atayde at JC De Vera sa kanilang inihandog na harana.


Umapaw din ang kilig sa GenSan dahil sa nakakaakit na performance ni Kapamilya heartthrob Paulo Avelino. Kahit hindi nakadalo sa Kapamilya Karavan ang bida ng “The General’s Daughter” na si Angel Locsin dahil sa isang karamdaman, nagalak pa rin ang mga Kapamilya sa GenSan dahil tumawag ang aktres sa kasagsagan ng programa at nangakong bibista sa Tuna Capital ng bansa.

Bukod dito, naaliw din ang mga Kapamilya dahil sa mga inihandang palaro at naging masigla rin ang selebrasyon dahil sa bibong hosts ng ABS-CBN “Magandang Umaga South Central Mindanao” na sina Dyll at Joey C, at ang MOR DJs na sina Justine at Betina.

Samantala, hindi nagtatapos sa GenSan ang paghahatid ng saya at pag-ibig dahil biyaheng Naga City naman ang Kapamilya Karavan para sa Penafranchia Festival kasama ang cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Abangan sina Coco Martin, Yassi Pressman, Basilyo, Smuglazz, PJ Endrinal, at Empoy sa Setyembre 28, 4 pm sa SM Naga City open parking area, o kaya ay panoorin ang programa sa livestreaming sa Choose Philippines YouTube channel.

Samantala, mapapanood din ang pinakamalalaking kaganapan sa Penafrancia Festival sa telebisyon sa ABS-CBN Naga, kabilang ang Regional Military Parade sa Biyernes (Setyembre 20) ng 10 am, 2 pm, at 4 pm. Ipapalabas din ang Fluvial Procession sa Sabado (Setyembre 21) ng 3 pm, na may livestreaming din sa Choose Philippines YouTube channel.

Ang Kapamilya Karavan ay programa ng ABS-CBN Regional na nagpapalapit sa Kapamilya stars sa kanilang fans tuwing fiesta at selebrasyon. Ang ABS-CBN Regional ang sangay ng Kapamilya network na gumagawa o umeere ng mga lokal na programa na naghahatid ng impormasyon at tumutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino sa labas ng Metro Manila. Maliban sa pagbibigay ng importanteng balita at kaalaman, naghahatid rin ito ng serbisyo publiko sa mga Kapamilya sa mga lugar nito.

Sundan ang mga kaganapan sa Kapamilya Karavan kasama ang cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa official Facebook pages ng ABS-CBN Regional (@abscbnregionalofficial, @abscbnregionalevents).
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.