News Releases

English | Tagalog

"ONE: Century," ihahatid ng ABS-CBN Sports sa TV at Online

September 26, 2019 AT 10:58 AM

Hindi mahuhuli ang mga Pilipino sa pinakamalaking event ng ONE Championship na “ONE: Century” sa Tokyo, Japan ngayong Oktubre 13, dahil ihahatid ng ABS-CBN Sports ang aksyon sa dalawang fight card nito sa TV at online.
 
Makasaysayan ang “ONE: Century,” na ika-100 na pagtatanghal ng pinakamalaking sports media property sa Asya, dahil tampok dito ang pitong laban para sa mga titulo kabilang ang pagharap ni ONE Heavyweight world champion Brandon “The Truth” Vera sa two-division champion ng Myanmar na si Aung La N Sang.
 
Maliban kay Vera, apat pang mandirigmang Pinoy ang sasabak sa labanang ipapalabas ng LIVE mula sa Ryogoku Kokugikan stadium sa Oktubre 13 ng ABS-CBN Sports sa online sa iWant, sports.abs-cbn.com, ABS-CBN Sports Facebook at YouTube, kung saan eere ang Part 1 ng 8 am, at Part 2 ng 4 pm.
 
Mapapanood din sa ABS-CBN S+A ng LIVE ang Part 2 sa Oktubre 13 simula 6:30 pm, at may replay ng 9:30 pm. Samantalang sa Oktubre 18 ng 8:30 pm naman ipapalabas ang Part 1.
 
Sa women’s atomweight title match, haharapin ng kampeon na si Angela “Unstoppable” Lee kontra ang reyna ng flyweight division na si Xiong Jing Nan. Makakalaban naman ni Danny “The King” Kingad ang 12-time flyweight world champion na si Demetrious Johnson sa ONE Flyweight Grand Prix championship.
 
Tampok naman sa Part 2 ang muling pagtutuos nina Kevin Belingon at Bibiano Fernandes at ang pagsungkit ni Vera sa ONE Light Heavyweight title ng tinaguriang “Burmese Python” na si Aung La N Sang.
 
Matagal na ng magkaakbay ang ABS-CBN Sports at ONE Championship sa pagpapalaganap ng MMA sa Pilipinas, at lalo pa itong iigting sa muling pagdadala ng mga bakbakan sa TV at internet upang mas marami pa ang makapanood nito dito sa Pilipinas at sa mundo.
 
Bago pa ang “ONE: Century,” maaaring balikan ang maiinit na laban sa “Road to Century” specials sa S+A. Ngayong Linggo (Setyembre 29), mapapanood sa “Road to Century” ang Featherweight Kickboxing World Grand Prix Championship Final ng 10 pm at susundan ng ONE Championship Title Bouts ng 11 pm. Mapapanood muli ito sa Oktubre 6 ng 11 pm at Oktubre 7 ng 12 mn. Ire-replay din ng S+A ang Flyweight World Grand Prix Championship Final ng Oktubre 6 ng 9 pm at Lightweight World Grand Prix Championship Final ng 10 pm. Lahat ng ito, mapapanood rin sa iWant.
 
Huwag palampasin ang a “ONE: Century” fightcard na eere ng LIVE mula sa Tokyo, Japan ngayong Oktubre 13, simula ng 8 am para sa Part 1 at 4 pm sa Part 2 sa iWant, at sports.abs-cbn.com, at sa ABS-CBN Sports Facebook at YouTube. Panoorin ang Part 1 sa S+A sa Oktubre 18 ng 8:30 pm, habang ipapalabas ang Part 2 ng LIVE simula 6:30 am at may replay agad ng 9:30 pm.
 
Para sa mga karagdagang istorya at balita sa ONE Championship, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.