Mas pinalawak ng ABS-CBN TVplus ang serbisyo ng KBO para sa mga subscriber nito; ngayon, maaari na silang mag-register sa KBO linggo-linggo sa lahat ng CLiQQ kiosks ng 7-Eleven nationwide, dahil sa partnership nito kasama ang Gate Distribution Enterprise Inc.
Ayon sa TVplus Product Manager na si Adrianne Reyes-Ismael, “dahil sa partnership na ‘to, mas dumami pa ang options ng ating KBO subscribers pagdating sa payment at registration; pwede na rin silang magbayad ng cash sa mga 7-Eleven branches.”
Para mag-register sa KBO, gamit ang CLiQQ kiosk, pumunta lamang sa pinakamalapit na 7-Eleven store at sundin ang sumusunod—i-click ang LOAD sa CLiQQ kiosk; piliin ang KBO, at pindutin ang KBO30; i-enter ang “airing date” (space) “TVplus Box ID”; pagkatapos, i-check at kumpirmahin ang naipasok na detalye; kunin ang CLiQQ order slip at pumunta sa counter para magbayad.
Kinumpirma naman ng 7-Eleven Loyalty at Services Manager na si Sydney Lau, na hindi magdadagdag ng bayad o service fee ang 7-Eleven sa P30.00 na presyo ng KBO.
Agad namang ma-aactivate ang KBO access ng subscriber, matapos makapagbayad sa 7-Eleven. Siguraduhin lamang na nakabukas sa KBO channel ang TVplus box sa oras ng activation.
Ang bagong payment option na ito ay available sa 2,700 CLiQQ kiosks, ngunit, ayon sa Gate Distribution General Manager na si Trisha Pascual, “maaari pa itong ma-extend sa 12,000 partners ng ECPay at Gate, sa mga darating na panahon.”