News Releases

English | Tagalog

Kapamilya love, madarama ng bawat bakwit sa "Tulong-Tulong sa Taal" campaign

January 25, 2020 AT 12:29 PM

Kapamilya love to reach Taal evacuees in ABS-CBN's "Tulong-Tulong sa Taal" campaign

“Tulong-Tulong sa Taal” brings together the efforts of the entire Kapamilya network for Taal evacuees, from relief operations led by Sagip Kapamilya to delivery of “Serbisyo at Saya” in evacuation centers through the help of ABS-CBN employees, artists, programs, and subsidiaries.

Kapamilya network, buong pwersang maghahatid ng serbisyo at saya sa mga evacutation center
 

Makakarating ang tulong sa bawat bakwit. Ito ang pangako ng ABS-CBN sa paglulunsad nito ng kampanyang “Tulong-Tulong sa Taal” na may layuning makapaghatid ng serbisyo sa lahat ng Pilipinong lubos na naapektuhan ng pagsabog at patuloy na aktibidad ng Bulkang Taal.

Pagsasama-samahin ng “Tulong-Tulong sa Taal” ang lahat ng isinasagawang serbisyo ng buong Kapamilya network para sa Taal evacuees tulad ng relief operations ng Sagip Kapamilya, at pagdadala ng “Serbisyo at Saya” sa mga evacuation center sa pamamagitan ng mga empleyado, artista, at iba-ibang sangay ng ABS-CBN. Maliban sa pagbabalita ng ABS-CBN News, maghahatid din ng kaalaman sa pagiging handa at ligtas sa ganitong panahon si Kuya Kim Atienza. 

Alinsunod sa misyon nitong maglingkod sa Pilipino, isa ang ABS-CBN sa unang naghatid ng tulong sa evacuation centers matapos balutin ng abo ang buong isla ng Taal at mga karatig bayan sa Batangas at Cavite, na dahilan upang lumisan ang libo-libong pamilyang Pilipino sa kanilang mga tahanan simula Enero 12.

Noong Miyerkules, (Enero 29), tinatayang mahigit 20,000 na pamilya o aabot sa 100,000 katao sa mga evacuation center o nakikitira sa mga bahay ang nakatanggap ng relief packs, habang 5,403 ang nakakain ng mainit na sopas mula sa soup kitchen, at 663 na indibidwal naman ang tumanggap ng psychological first aid sa pamamagitan ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation.  

Mas lalo pang umigting ang pagiikot ng ABS-CBN sa mga evacuation center habang nagsimula na rin ang “Serbisyo at Saya” caravan na magsasagawa naman ng medical mission at masayang programa para sa mga bakwit. Bukod sa libreng check-up at gamutan para matiyak ang kalusugan ng mga naroon, nagsasagawa rin ng counseling para tulungan sila sa tinamong trauma at stress dulot ng pagsabog ng bulkan.

Namimigay rin ng libreng salamin, at hygiene at laundry kits para mapanatili ang kanilang kalinisan sa evacuation centers. Naroon rin ang ABS-CBN Tulong Center sa iba pang nangangailangan ng tulong. 

Bukod diyan, madarama talaga ng mga bakwit ang pagmamahal ng tunay na kapamilya sa mga hinandang palaro at aktibidad ng mga empleyado at artista ng ABS-CBN na naroon upang pasayahin sila, matanda man o bata. Hindi na rin sila mahuhuli sa balita at paboritong programa dahil maglalagay ng viewing station ang SKYcable sa piling evacuation centers kung saan makakapanood rin ang mga estudyante ng mga educational show sa tulong ng Knowledge Channel. 

Maliban sa mga ito, nagsagawa na rin ng public service events ang “Salamt Dok” at “My Puhunan” sa ibang evacuation centers, samantalang kusa naming nagdo-donate at namamahagi ng relief goods ang ibang Kapamilya stars sa ating mga kababayan. Pero sa “Tulong-Tulong sa Taal,” lahat ng Pilipino ay maaring magkaisa at tumulong sa ating mga kababayan bilang isang pamilya. Bukod sa relief operations at serbisyo at saya, may iba pang proyektong hinanda ang ABS-CBN kung saan magiging daan ito ng kabutihang loob malasakit ng ordinaryong Pilipino. Isa na rito ang Ligtas Bag campaign, kung saan pwedeng mag-donate para sa “go bag” na ibibigay sa mga evacuee. Laman ng Ligtas Bag ang mga gamit at pagkain na kakailanganin sa panahon ng sakuna. Hinihimok din ang lahat na maghanda ng Ligtas Bag para sa sarili at buong pamilya.

Samantala, tumatanggap pa rin ng ABS-CBN ng in-kind at cash donations para sa Taal evacuees. I-follow ang ABS-CBN Foundation (@abscbnfoundationinc) sa Facebook para sa mga detalye. Maki-balita sa Taal Volcano eruption sa ABS-CBN, ANC, DZMM, news.abs-cbn.compatrol.ph at ABS-CBN News App. Gamitin ang hashtag na #TulongTulongsaTaal.  Para sa iba pang updates, i-follow ang ABS-CBN (@abscbnpr) sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.