News Releases

English | Tagalog

Remastered edition ng "Ibong Adarna," mapapanood nang libre online sa November 1

October 30, 2020 AT 11:15 AM

Remastered Pinoy classic film "Ibong Adarna," streams for free on November 1

Catch the free online streaming of the remastered 1941 LVN classic "Ibong Adarna" on November 1, Sunday, at 7:30 PM, on ABS-CBN Film Restoration's Facebook page.

Abangan sa FB page ng ABS-CBN Film Restoration
Handog ng ABS-CBN Film Restoration at LVN Pictures, Inc. sa mga batang manonood ang kinagiliwang kwento ng makapangyarihang "Ibong Adarna," nang libre sa official Facebook page nito ngayong Linggo (Nobyembre 1) sa ganap na 7:30 PM.
 
Dumaan sa paglilinis ng "Sagip Pelikula" ng ABS-CBN Film Restoration ang kopya ng pinakalumang pelikula na nasa pag-aalaga ng ABS-CBN Film Archives at mapapanood nila ito sa high-definition.
 
Hango sa tanyag na epiko sa panitikang Pilipino, isinasabuhay ng pelikula ang kwento ng magkakapatid na sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan at ang kanilang pakikipagsapalaran para mahanap ang gamot na magpapagaling sa ama nilang si Haring Fernando, ang taga-pamuno ng kaharian ng Berbanya.
 
Inatasan sila ng doktor ng hari na hulihin ang mahiwagang Ibong Adarna dahil ang magandang himig nito ang susi sa paggaling ng kanilang pinakamamahal na ama. Matapos nilang mahuli ang ibon, mapapasabak naman ang magkakapatid sa ilang pagsubok. Ngunit sa huli, mananaig pa rin ang kapatiran ng magkakapatid at kapatawaran sa isa’t isa.
 
Kasama sa pelikulang dinirehe nina Victor Salumbides at Manuel Conde ang mga kilalang artista noon tulad nina Mila del Sol, Fred Cortes, Ester Magalona, Vicente Oliver, Deanna Prieto, Ben Rubio, at iba pa.
 
Nananatiling makasaysayan ang "Ibong Adarna" dahil ito ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na may kulay.   
Para sa updates tungkol sa ABS-CBN Film Restoration at sa "Sagip Pelikula," i-follow sila sa Facebook (fb.com/filmrestorationabscbn), Twitter (@ABS_Restoration), at Instagram (@abscbnfilmrestoration).