News Releases

English | Tagalog

16 singing cooks, magtutunggali sa “Kalderoke: The Singing and Cooking Showdown” sa Kapamilya Channel

November 10, 2020 AT 05:23 PM

Top singing cooks battle in ABS-CBN Foundation and Phoenix SUPER LPG’s Kalderoke on Kapamilya Channel

Amazing cooking skills, superb food, and great singing voices—these and more await viewers of the highly anticipated telecast of the ABS-CBN Foundation and Phoenix SUPER LPG’s Kalderoke: The Singing and Cooking Showdown hosted by comedian Wacky Kiray and the “Crystal Voice of Asia” singer Sheryn Regis.

P100K grand prize, naghihintay sa Singing Cook Champion

Kahanga-hangang galing sa pagluluto ng masasarap na pagkain, umaatikabong showdown sa pagkanta –- ito at iba pang nakatutuwang sorpresa ang maaasahan ng mga manonood sa “Kalderoke: The Singing and Cooking Showdown,” ang bagong palabas sa TV na hatid ng ABS-CBN Foundation at Phoenix SUPER LPG.

Sa pangunguna ng komedyanteng si Wacky Kiray at ng “Crystal Voice of Asia” na si Sheryn Regis, ipapakilala na ang top 16 contestants sa inaabangang singing at cooking show bukas (Nobyembre 14) ng 8:30 am sa Kapamilya Channel.

Ang mga magtutunggali para sa P100,000 grand prize ay sina Jose Ronaldo Agustin, Anna Nicole Robles Herrera, Francis Anne Virtudazo, Redemptor Nuestro mula sa NCR; Marco Diolata, Christian Alvear, William Verastigue II, Roland John Torres ng Luzon; Nazer Salcedo, Shenna Mae Baybado, Jessica Evangelio, Lalaine Enriquez mula sa Visayas; Jhana Marie Aranda, Noreen Rose Galendez, Menchu Munez, at Rodelio Quesim, Jr. ng Mindanao.

Ang mga napiling hurado naman ay ang celebrity chef na si Rolando “Chef Lau” Laudico; aktres, komedyante at singer na si Tuesday Vargas; Star Music composer at songwriter na si Jonathan Manalo; at ang Phoenix SUPER LPG’s Category Marketing Manager na si Marc Salboro.

Bukod sa mga hurado, ang mga manonood ay magkakaroon ng pagkakataong iboto ang kanilang paboritong contestant. Para magawa ito, kinakailangang magrehistro at mag-download ng Limitless mobile application mula sa App Store o Google PlayStore.

Labis na natutuwa ang Phoenix Petroleum Philippines Vice President for Integrated Marketing and Strategies na si Ma. Celina Matias sa suporta mula sa mga magagaling na Filipino singing chefs at home cooks mula sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Mula sa daan-daang singing cooks na nagpasa ng kanilang recorded entries, 40 lang ang nakapasok sa digital cook-off round na ipinalabas sa Phoenix SUPER LPG at ABS-CBN Foundation Facebook pages. Mula sa top 16, pipili ng dalawang finalists na maglalaban sa grand finals at magwawagi ng Php100,000.

“Lahat naman ay magaling, pero tulad ng ibang kumpetisyon, isa lamang ang mananalo,” saad ni Matias.

Inilunsad noong Hulyo 2020 ng ABS-CBN Foundation at ng Phoenix SUPER LPG, ang programang ito ay naglalayong ipaalala sa publiko ang kasiyahang hatid ng pagluluto at paghahain ng simpleng pagkain para sa pamilya o paghahain ng gourmet dishes sa mga restawran. Ang hilig ng Pilipino sa pagkain at videoke ay nagsilbing inspirasyon sa likod ng kumpetisyon.

“Isa itong feel-good at one-of-a-kind show. Alam naman natin na ang mga Pinoy ay magagaling kumanta at mahilig kumain. Ang pagsasama nito ay isang perpektong recipe para sa isang magandang show. Matututo rin ang mga manonood ng mga bagong putahe at magiging conscious sa kanilang mga kinakain habang nawiwili sa panonood. Hangad naming maging Saturday habit ng bawat isa ang Kalderoke.” Ito ang paglalahad ni Paul Vincent Mercado, marketing head ng ABS-CBN Foundation.

“Isang magandang oportunidad ang panahon ng quarantine para madiskubre natin ang saya sa pagluluto at ikinatutuwa ko na nandito ang Phoenix SUPER LPG para patuloy na magbigay ng kalidad na produkto at serbisyo sa mga kabahayan at mga negosyo para sa kanilang pangangailangan sa pagluluto,” dagdag ni Matias.

Ang Phoenix ay matagal nang katuwang ng ABS-CBN Foundation sa ilang programa tulad ng Pinoy Tsuper Hero, na kumilala sa mga bayani sa industriya ng transportasyon at nagbigay ng pagkakataong mapabuti ang kanilang mga sarili.

“Naghanap ang Phoenix SUPER LPG ng mga institusyong makakatuwang nito sa pagpapatupad ng proyekto na magpapakita ng mga talento ng bawat kapamilya sa pag-awit at pagluluto. Ito ang naging daan para magkaroon ng Kalderoke: The Singing and Cooking Showdown. Ang Phoenix SUPER LPG ay may German-made SRG Regulator na ikakatuwa ng mga gumagamit nito dahil ito ay safe, sigurado at simple,” pahayag ni Mercado.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Kalderoke: The Singing and Cooking Showdown, bistahin ang www.pnxsuperlpgkalderoke.ph.