News Releases

English | Tagalog

Rey Valera, nagbalik sa "It's Showtime" para sa unang quarter finals ng "Tawag ng Tanghalan" ngayong taon

November 24, 2020 AT 03:07 PM

Rey Valera returns to "It's Showtime" for first quarter finals this year

20 singers from different barangays join month-long competition

Nagbabalik na bilang punong hurado ang batikang singer-songwriter na si Rey Valera sa “It’s Showtime” para husgahan ang 20 singers na pambato ng iba’t ibang barangay sa unang quarter finals ng “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime.”

 

Nagsimula na ang isang buwang bakbakan ngayong Lunes (Nobyembre 23) kung saan unang tumuntong sa entablado para mag-alay ng mga kanta para sa kanilang mga mahal sa buhay sina Rommel Arellano mula Padre Garcia, Batangas, Shan Dela Vega mula Calamba, Laguna, Marlyn Salas mula Angat, Bulacan,  Mara Tumale ng Malolos, Bulacan, at Mich Primavera ng Angono, Rizal.

 

Kada linggo, limang quarter finalists ang magpapagalingan sa kantahan para hindi matanggal sa kumpetisyon. May matatanggal sa kanilang dalawa tuwing Martes, Huwebes, at Sabado, habang ang dalawa naman sa kanila na may pinakamataas na grado ang aabante sa semifinals.

 

Pati mga manonood ay may pagkakataon ding magwagi ng papremyo dahil inaanyayahan ng programa na mag-tweet sa Twitter o mag-comment sila sa Facebook gamit ang hashtag na #TNTQuarterFinals kasama ang finalist na sa tingin nila ay makakuha ng pinakamataas na score base sa performances ng araw.

 

Isang maswerteng viewer naman na tama ang sagot ay mananalo ng P5,000.

 

Abangan naman sa mga susunod na linggo ang matinding performances nina Ayegee Paredes, Almira Lat, Eivan Enriquez, Donna Mae Ricafrente, Evelyn Martinez, Erwin Diaz,  JM Yusero, Luis Gragera, Marigelle Aguda, Mark Anthony Castro, Opalhene Paghubasan, Rachell Laylo, Venus Pelobello, Isaac Zamudio, at Whincel Portugal, Maglanque.

 

Napapanood ang “It’s Showtime” tuwing tanghali sa A2Z channel sa digital at analog TV. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. 

 

Patuloy din itong napapanood mula Lunes hanggang Sabado sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa), sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.