News Releases

English | Tagalog

Angelica, sisingilin na si Zanjoe para sa mga krimen ng pamilya sa "Walang Hanggang Paalam"

November 27, 2020 AT 05:05 PM

Angelica begins to uncover Zanjoe's dark family secret in "Walang Hanggang Paalam"

Will they be able to save Robbie before they run out of time? How long until Celine finally uncovers the long-kept secret of Anton and his family?

Malapit nang mabisto ni Celine (Angelica Panganiban) ang pagkakasangkot ng kasintahan niyang si Anton (Zanjoe Marudo) sa kidnapping ng anak niya at ang iligal na negosyo ng kanilang pamilya sa mas tumitinding mga eksena sa Kapamilya teleserye na “Walang Hanggang Paalam.” 

Lalong lumalakas ang kutob ni Celine na ang pamilya nga ni Anton ang sindikatong nasa likod ng iligal na organ trafficking business na nang-kidnap sa anak niyang si Robbie. Ito ay matapos makumpirmang si Robbie nga ang nasa abandonadong ospital na kanilang natuklasan, kaya naman sisiguraduhin ni Celine na magbabayad ang may kagagawan ng krimeng ito.

Tumibay pa ang hinala ni Celine dahil nakahanap siya ng mga butas sa mga detalyeng ibinigay ni Anton tungkol sa sikretong heart surgery ng pamangkin nitong si Lester, na may pagkakatulad din sa nangyaring engkwentro sa mga sindikato.

Habang humihina ang tiwala ni Celine kay Anton, patuloy naman niyang kinakapitan ang pangako ni Emman na gagawin nito ang lahat mahanap lang ang kanilang anak.

Makumpleto pa kaya ang pamilya nina Emman at Celine? Hanggang kailan kaya maitatago ni Anton ang kanyang masalimuot na sikreto?

Panoorin ang bagong episodes ng “Walang Hanggang Paalam” sa A2Z channel sa digital at analog TV. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. 

Mapapanood pa rin ito sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD  at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring tumutok sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWant app o iwanttfc.com. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE