News Releases

English | Tagalog

Jodi, iniskandalo si Iza

November 28, 2020 AT 12:39 PM

Natikman ni Ellice (Iza Calzado) ang iskandalong inihanda sa kanya ni Marissa (Jodi Sta. Maria) sa paglulunsand ng La Sierra sa huling episode ng “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Laking gulat nina Ellice at Gabriel (Sam Milby) nang malamang ang inakala nilang patay na Marissa ay ang nagmamay-ari ng ngayo’y pinakamalaking karibal ng Pearls by Ceñidoza at ipinakilala pang “the newly-crowned queen of the jewelry industry.”

Akmang sasampalin na ni Ellice si Marissa matapos sambitin nito na “Hindi ka pa rin nagbabago. Look at you, you’re still a sore loser.” Ngunit nang pigilan ito ni Gabriel, wala na siyang nagawa kundi mag-walk out at ibalita kay Nanay Lucing (Maricel Soriano) na buhay pa ang kanyang anak.

Samantala, nang makita namang muli ni Nanay Lucing si Marissa, imbes na yakapin ito ay sinampal pa.

“Talagang inuna mo ang lahat na ito bago mo hanapin ako? Ako ang nanay mo,” sumbat nito sa anak. “Matagal nang patay ang Marissa na kilala ko,” dagdag ni Nanay Lucing.

Bumalik kaya kay Marissa ang mga balak nyang paghihiganti? O aabot pa sa sukdulan ang kanilang away ni Ellice?

Ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” ay likha nina Julie Anne Benitez at Dindo C. Perez.

 

Panoorin ang painit na naman nang painit ang mga eksena sa pangalawang yugto ng "Ang Sa Iyo Ay Akin" gabi-gabi, 8:40 PM sa A2Z channel.

 

I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

 

Palabas rin ito sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

 

Mapapanood din ito Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWant TFC app oiwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom