News Releases

English | Tagalog

Pahayag ukol sa Senate Hearing tungkol sa franchise ng ABS-CBN

February 24, 2020 AT 05:27 PM

Maraming maraming salamat po sa pagkakataong ito.
 
Unang-una po, nagpapasalamat kami sa buong Senado para sa pagkakataong mapakinggan ang aming panig. Sana po ay nabigyang linaw ang ilan sa mga katanungan na matagal na pong tinatanong ng marami sa ating bayan.
  
Gaya ng inyong narinig, wala pong mga kasong nakasampa laban sa ABS-CBN kaugnay sa
pagbabayad ng buwis at pagsunod sa election laws, National Telecommunications Commission, at Securities and Exchange Commission.
 
Tulad ng maraming mga kumpanya na matagal nang nagseserbisyo, mayroon kaming mga nakabinbing kaso kaugnay sa labor at iba pang isyu sa pagpapatakbo ng aming negosyo. Naniniwala kami sa due process, at tulad ng dati, susunod kami sa anumang desisyon ng mga kinauukulan.  
 
Nawa’y magtuloy-tuloy ang pagpapahalaga sa mga prosesong naayon sa ating mga batas. Nawa’y tuloy-tuloy na umiral ang makatarungang pagdinig ng aming franchise renewal.
 
Maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa amin ngayong araw. Sana po, tuloy-tuloy ang inyong suporta at panalangin hindi lamang po para sa ating mga Kapamilya, pati na rin po para sa ating mga mambabatas at mga lider ng bansa.
 
Marami pong salamat.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE