News Releases

English | Tagalog

Clean-up drives at Ligtas Bags, hatid ng ABS-CBN sa mga biktima ng Taal

March 10, 2020 AT 03:30 PM

ABS-CBN conducts clean-up drives, gives away Ligtas Bags for Taal victims

The Kapamilya network has united with various groups for clean-up drives done in Agoncillo and Tanauan in Batangas, relief operations, and distribution of Ligtas Bags with the support of donors, volunteers, and partners like public servants Senator Ralph Recto and Rep. Vilma Santos-Recto.

Kahit ibinababa na sa Alert Level 2 ang estado ng bulkang Taal, patuloy pa ring nararamdaman ng mga apektadong pamilya ang Kapamilya love sa kampanyang “Tulong-Tulong sa Taal” ng network.

Nakipagsanib-puwersa na ang ABS-CBN sa iba’t ibang grupo at indibidwal para sa mga ginagawang paglilinis na ginanap sa Agoncillo at Tanauan sa Batangas, at patuloy na pamamahagi ng relief packs at Ligtas Bags sa suporta ng mga donor, volunteer, at partner tulad nina Sen. Ralph Recto at Rep. Vilma Santos-Recto.

Noong Pebrero 6, umabot na sa 23,923 na pamilya o mahigit 100,000 katao ang nakatanggap ng relief packs sa mga evacuation center at home-based evacuation center, habang 5,403 ang nakakain ng mainit na sopas mula sa Soup Kitchen, at 663 na indibidwal naman ang binigyan ng psychological first aid.

Dahil sa trauma na posibleng dulot ng pagsabok ng Taal, nagsagawa ang social workers ng Bantay Bata 163 ng therapeutic play activities sa Calumpang East Elementary School sa San Luis, Batangas, upang mawala ang takot at pangamba ng mga bata.  

Bumuhos din ang pagmamahal sa mga taga-Batangas kamakailan lang sa pagsasanib-pwersa nina Sen. Ralph Recto at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto at ng ABS-CBN para mamahagi ng Ligtas Bags sa mga bakwit ng Taal. Laman ng bag na ibinigay sa mga taga-San Nicolas, Agoncillo, Lemery, Taal, Laurel, at Talisay ang mga mahahalagang kagamitan na kakailanganin kapag tumama ang isang sakuna.

“Pasalamatan po natin ang ABS-CBN. Hindi lang sa paghatid ng saya sa ating lahat gabi-gabi, kung hindi sa pagtulong din sa lahat ng mga Pilipino sa panahon ng sakuna,” ani ng Senador.

Dagdag ni Rep. Santos-Recto, “gusto kong pasalamatan ang ABS-CBN sa mga ipinamamahagi ninyo ngayon sa Batangas, lalo na sa mga naging biktima. Malaking pakinabang at tulong po itong Ligtas Bags. Kabalikat natin ang ABS-CBN. Salamat.”

Para sa karagdagang detalye tungkol sa “Tulong-Tulong sa Taal,” at kung paano pa makatulong sa mga apektadong pamilya, i-follow ang ABS-CBN Foundation (@abscbnfoundationinc) sa Facebook para sa mga detalye o pumunta sa www.abs-cbnfoundation.com.

Maki-balita sa Taal Volcano eruption sa ABS-CBN, ANC, DZMM, news.abs-cbn.compatrol.ph at ABS-CBN News App. Gamitin ang hashtag na #TulongTulongsaTaal.   Para sa iba pang updates, i-follow ang ABS-CBN (@abscbnpr) sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.