News Releases

English | Tagalog

Sam at Yassi, magtatambal para maungkat ang misteryo ng "The Tapes" sa iWant

March 13, 2020 AT 11:28 AM

Sam and Yassi team up to uncover unsolvable case in iWant's "The Tapes"

The mystery thriller is set in the 90s, in a sleepy town where nothing really happens that hides a dark secret.

Isa-isang uungkatin nina Sam Milby at Yassi Pressman ang mga sikretong bumabalot sa isang kasong hindi malutas-lutas sa iWant original series na “The Tapes,” na mapapanood na sa iWant ngayong simula Marso 18 (Miyerkules).
 
Gaganap sina Sam at Yassi bilang sina Sonnyboy at Alice, magka-partner na pulis sa isang tahimik na bayan. Mabubulabog ang mga buhay nila sa pagdating ng misteryosong tapes na naglalaman ng nakakagimbal na videos na may kinalaman sa kaso ni Judy, isang babaeng matagal nang nawawala sa kanilang lugar.
 
Para makahanap ng mga sagot, itatago ng dalawa ang mga tape mula sa mga awtoridad at lihim na iimbestigahan ang bagong ebidensyang natanggap nila. Ngunit sa pagdami ng kanilang matutuklasan dahil sa napapanood sa mga tape, mapapalapit din sila sa madidilim na sikretong pilit na itinatago sa kanilang bayan. Ito ba ay gawa-gawa lang ng isipan o multo ng kanilang nakaraan?
 
Ano nga ba ang totoong nangyari kay Judy, at sino ang nasa likod ng mga tape?
 
Ang “The Tapes” ay idinirek ni Bradley Liew, ang Malaysian-born at Philippine-based director ng horror film na “Motel Acacia” na kasalukuyang napapanood sa mga sinehan sa bansa at unang ipinalabas sa 32nd Tokyo International Film Festival. Noong 2016, ipinalabas ang una niyang pelikulang “Singing in Graveyards” sa Venice International Film Festival.
 
Mapapanood din sa original iWant series sina Ricky Davao, Felix Rocco, Perry Dizon, Barbara Ruaro, at Brian Sy, kasama ang special participation ni Cherie Gil.
 
Alamin ang katotohanan sa “The Tapes” simula Marso 18 (Miyerkules) sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, o mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.