News Releases

English | Tagalog

"Pantawid ng Pag-ibig" concert ng ABS-CBN, nagtala ng 3.7 milyong views online

March 25, 2020 AT 11:10 AM

ABS-CBN’s "Pantawid ng Pag-ibig" concert records 3.7 million online views

Even with the community quarantine in place, it did not deter the network from finding ways to offer joy and encouragement to Filipinos and using modern digital technology to gather more than 100 stars performing from their own homes.

Magkakalayo man ngayon, hindi ito naging hadlang sa ABS-CBN at higit sa 100 Kapamilya stars para magsanib-pwersa sa “Pantawid ng Pag-ibig: At-Home Together Concert,” na nakapagtala ng 3.5 milyong views habang nila-livestream ito sa iba’t ibang digital platforms noong Linggo (Marso 22).
 
Gamit ang makabagong teknolohiya, nagbigay ng performances ang mga artista ng ABS-CBN at pinanood ng mga Pilipino sa buong mundo sa opisyal na Facebook pages at YouTube channels ng ABS-CBN, pati na sa iWant at TFC.tv.
 
Ang naturang concert ang pinakamalaking digital concert na kumalap ng pondo para sa mga pamilyang apektado ng enhanced community quarantine sa Luzon, at napanood din nang live ng mga Kapamilya sa ABS-CBN, S+A, ANC, MYX, DZMM TeleRadyo, DZMM Radyo Patrol 630, MOR 101.9, at sa The Filipino Channel (TFC) para sa mga Pilipino sa labas ng bansa.
 
Usap-usapan ang concert sa online world kaya naman nagtala ito ng 64,000 na social media mentions at nanguna ang hashtag na #PantawidNgPagibig sa Twitter sa Pilipinas, matapos mag-post ang libo-libong fans tungkol sa mga paborito nilang artista, mga nakakaantig na performances, at mag-donate para makatulong sa mga nangangailangan.
 
Inihayag ng Twitter user na si @IamMrHarrison, “Maraming salamat sa ABS-CBN sa inspirasyon at pagbibigay lagi sa amin ng entertainment at pag-asa sa kabila ng hinaharap natin ngayon,” samantalang sabi naman ni @joui_lyn, “Who’s doing it like ABS-CBN?? Wow. Kailangan ng bansa ang #PantawidNgPagibig at binigay nila ang best nila para maibigay ito.”
 
“Gusto ko ang ideya ng ABS-CBN sa pagkakalap ng pondo sa pamamagitan ng tulong ng mabubuting Pilipino. Sa panahon ngayon, kailangan natin ay kapit bisig at pagkakaisa. Salute to everyone helping to make this possible,” tweet naman ni @neilrhandon.
“ABS-CBN #PantawidNgPagibig #DigitalConcert ay puso para sa ibang tao. Umiiyak ako habang pinapanood. Ganito gumalaw ang Panginoon! Ang mga taong tumutulong sa iba ay isang biyaya. Grabe yung paggalaw ng Panginoon dito!” ibinahagi naman ni @Jayengyeng.
 
Bukod sa performances, nag-alay rin ang Kapamilya stars ng mga dasal at mensahe, mga maaaring gawin sa bahay habang may quarantine, at pinaalala sa mga manonood ang kahalagahan ng malinis na pangangatawan at paligid. Kabilang sa mga bituing napanood dito ay sina Judy Ann Santos-Agoncillo, Vice Ganda, Anne Curtis, Sarah Geronimo, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Nadine Lustre, Enrique Gil, Liza Soberano, Lea Salonga, Bamboo, apl.de.ap, Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Sharon Cuneta, Jodi Sta. Maria, Paulo Avelino, Julia Montes, Maja Salvador, Kim Chiu, Jericho Rosales, Piolo Pascual, Coco Martin, at Angel Locsin.
 
Ang concert ay bahagi ng “Pantawid ng Pag-Ibig” campaign ng ABS-CBN na naglalayong makalikom ng pondong pagbili ng pagkain at iba pang araw-araw na pangangailangan na ibibigay sa mga Pilipinong hindi makapagtrabaho o hanapbuhay para sa kanilang pamilya dahil sa quarantine.
 
Sa mga hindi nakapanood, maaari itong balikan sa iWant app sa iOS o Andoid o sa iwant.ph. Ang mga nais tumulong ay maaaring mag-deposito ng cash donation sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc.-Sagip Kapamilya bank accounts sa BPI peso account 3051-11-55-88, Metrobank peso account 636-3-636-08808-1, BDO peso account 0039301-14199, PNB peso account 1263-7000-4128,at BDO dollar account 1039300-81622.