News Releases

English | Tagalog

Moira, hangad magpagaan ng loob sa bagong album na "Patawad"

March 30, 2020 AT 11:38 AM

Moira hopes to bring comfort and joy in new album "Patawad"

Let Moira calm your heart by listening to her “Patawad” album on Spotify, Apple Music, and YouTube.

Music video ng “Paalam” & “Patawad,” mapapanood na

Dadalhin ni Moira Dela Torre ang mga tagapakinig sa isang emosyonal na paglalakbay sa kanyang inilabas na album mula sa Star Music na “Patawad,” kung saan kasama ang mga bagong niyang kanta at recent collaborations gaya ng “Mabagal” at ang trilogy na “Paalam, Patawad.”

“To be honest with you, ninais namin i-postpone ang release ng album. Naiintidihan ko na ang matinding pinagdadaanan ng lahat ay hindi dapat ipagwalang bahala. Pero nauunawaan ko rin na sa paghihirap, music is always a present friend,” sabi ni Moira.

“In times of trouble, music brings comfort, hope and peace, kaya’t napagdesisyunan naming ituloy ang release na may layunin na ang mga awitin dito, na inabot ng dalawang taon bago matapos, ay maghahatid ng ligaya at suporta,” dagdag niya.

Siyam sa 13 kantang nasa bagong album ni Moira ay orihinal niyang komposisyon. Ito ay ang “Kita Na Kita” na inawit niya kasama ang asawang si Jason Hernandez, “Ang Iwasan,” “Pahinga,” “Ikaw Pa Rin” kasama si Erik Santos, “Sabi Ng Lola,” “E.D.S.A. – Emosyong Dinaan Sa Awit,” at ang trilogy na “Patawad, Paalam,” na kolaborasyon niya kasama ang I Belong To The Zoo, “Paalam” kasama naman ang Ben&Ben, at ang “Patawad.” 

Bukod dito, mapapakinggan din sa album ang performance ni Moira ng spoken word piece ni Brian Vee na “Handa, Awit,” ang theme song ng “24/7” na “Hanggang Sa Huli,” “Unbreakable” mula sa pelikula ng Star Cinema, at ang 2019 Himig Handog Best Song na “Mabagal.”

Bago ni-release ang album na “Patawad,” inilabas na rin ang mga music video ng mga kantang “Paalam” at “Patawad,” na siyang kumukumpleto sa kwento ng pag-ibig na hindi itinadhana, na nagsimula sa “Patawad, Paalam” noong isang taon.

Samantala, umulan naman ng samu’t saring emosyon sa paglabas ng bagong album ni Moira, kabilang na ang mga papuri ng mga tao sa kakayahan niyang pakalmahin ang puso ng mga tagapakinig gamit ang kanyang musika.

“Sobrang gaan, nawala yung bigat. Pakiramdam ko ngayon lang ako uli nakalanghap ng ganitong hangin. Nakakapanibagong ang gaan sa dibdib. Ang laking tulong! Ang sarap sa pakiramdam. Nakawala ako sa gumagapos sa akin,” sabi ni @LyannaMylle sa Twitter.

“Sa gitna ng magulong mundo, pinakalma mo ang aming mga puso. Salamat. Salamat talaga. @moirarachelle4 #PatawadAlbum,” tweet naman ni @puurli.

Kabilang si Moira sa mga mang-aawit sa ilalim ng ABS-CBN Music—na tahanan ng marami sa mga pinakamagagandang OPM music mula sa nangungunang media and entertainment company na ABS-CBN.

Pakalmahin ang puso at pakinggan ang “Patawad” album ni Moira sa Spotify, Apple Music, at YouTube. Panoorin din ang mga music video ng “Paalam” at “Patawad” sa ABS-CBN Star Music’s YouTube channel. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa www.facebook.com/starmusicph, at i-follow ito sa Twitter at Instagram @StarMusicPH.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE