News Releases

English | Tagalog

Yamyam Gucong magtuturo ng diskarte sa pagtitipid sa bagong digital show na "Tipid Nation"

March 09, 2020 AT 04:09 PM

Pagiging wais sa pera at paggastos nang hindi nabubutas ang bulsa ang ituturo ni Yamyam Gucong sa bagong digital show na “Tipid Nation” na mapapanood ngayong Lunes (Marso 9) sa ABS-CBN YouTube channel.
 
Samahan ang “Resident Diskar-Tito” sa pagpapakita niya ng mga paraan ng pagtitipid para sa mas masaya at maluwag na pamumuhay.
 
Tatalakayin sa digital show ang iba’t-ibang diskarte sa pagtitipid sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, bahay, transportasyon, finance, telecomm, at kalusugan.
 
Sa unang episode nito, matutunghayan sa “Ukay is Key” na maaaari pa ring makapagdamit ng presentable sa murang halaga.
 
Dalawang episode ng “Tipid Nation” ang mapapanood ng fans sa ABS-CBN YouTube channel kada buwan.
 
Ito ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong pag-transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng presensya nito online at pagdami ng digital properties.
 
Para sa updates, i-follow ang ABS-CBN sa Facebook (fb.com/ABSCBNNetwork), Twitter (@abscbn), at Instagram (@abscbn).