These shows and movies facilitate learning and fun. and you can stream them for free!
Ngayong nakapirmi sa bahay ang mga bata, samahan silang matuto ng mga bagong kaalaman habang nalilibang sa pamamagitan ng panonood ng mga programa at pelikula sa iWant na magpapalalim at magpapalawak ng kanilang isipan.
Subaybayan ang masasayang adventure sa animated TV shows na “Peppa Pig,” kasama si Peppa at ang kanyang pamilya at kaibigan, “Monk,” tungkol sa isang masayahing asong paulit-ulit na bumabangon mula sa kamalasan, at “Max Steel,” tungkol sa isang batang gagamitin ang kapangyarihan para ipagtanggol ang kanilang bayan. Ilulunsad din ng iWant ang unang pambatang animated series nitong “Jet and the Pet Rangers” ngayong Abril 3.
Nasa iWant din ang mga programang kinalakihan at minahal ng mga Pinoy, gaya ng “Sine’skwela” na kaagapay ang mga manonood sa pagtuklas ng mga kumplikadong konsepto sa siyensya at teknolohiya, “Bayani” na ipinapakita kung paano ipinaglaban ng mga Pilipinong bayani ang bansa, at “Hiraya Manwari” na nagpapakita ng mga karakter na nagpapamalas ng mga mabuting asal.
Anuman ang edad, makakapulot naman ng mga bagong kaalaman sa barkada ng “Team Yey,” tampok ang 148 episodes na huhubog sa mga bata sa larangan ng musika, pagsasayaw, sining, laro at sports, kapaki-pakinabang na kasanayan, at kalusugan.
Nariyan din si Robi Domingo sa “MathDali” para tumulong na mahasa ang mga bata sa pagsagot ng iba’t ibang math problems gamit ang mga praktikal at epektibong paraan at pang-araw-araw na sitwasyon. Maaaliw rin ang mga bata sa “Pop Babies” sa nakakatuwang bersyon nila ng mga nursery rhyme.
Makikita rin sa iWant ang mga Kapamilya teleserye na nagpapakita ng mahahalagang aral kagaya ng pag-ibig, kabutihan, at pagmamahal sa pamilya at Diyos sa “May Bukas Pa,” “100 Days to Heaven,” “Starla,” “Nathaniel,” “Dream Dad,” “My Dear Heart,” “Super Inggo,” “Super Inggo at ang Super Tropa,” “My Little Juan,” at “Kung Fu Kids.”
Sunud-sunurin naman ang panonood ng mga pelikulang mae-enjoy ng mga chikiting gaya ng “Wansapanataym The Movie,” “Sarah Ang Munting Prinsesa,” “Ang Pulubi at ang Prinsesa,” “Magic Kingdom: Ang Alamat ng Damortis,” “Ang TV The Movie,” “Mga Kuwento ni Lola Basyang,” and “Bunsong Kerubin” pati na ang kiddie gag show na “Goin’ Bulilit.”
Libre ang lahat ng ito sa iWant app (
iOs and
Android) o sa
iwant.ph. Para sa updates, i-like ang
www.facebook.com/iWant, sundin ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa
www.youtube.com/iWantPH.