Bago at napapanahong digital projects ang handog ng ABS-CBN sa paglunsad nito ng “Stay At Home Stories: Mga Kwento ng Taong Bahay” na nagpapakita sa pinagdaraanan ng mga Pilipino sa gitna ng COVID-19 outbreak, at “Team FitFil” na layuning palakasin ang kalasugan ng mga manonood mula sa kanilang mga tahanan.
Masasaksihan sa “Stay At Home Stories: Mga Kwento ng Taong Bahay” ang iba’t-ibang kwento ng pagsusumikap ng mga mamamayan na lumalaban sa buhay sa kabila ng krisis na dulot COVID-19. Mapapanood ito sa ABS-CBN Entertainment Facebook page (fb.com/ABSCBNnetwork), YouTube channel, at website (ent.abs-cbn.com).
Sa unang dalawang episodes nito, napanood ang dating “PBB” housemate na si Aljon Mendoza bilang isang frontliner na nahiwalay sa ama dahil sa outbreak sa episode na “Kornbip,” samantalang gumanap naman si Hasna Cabral bilang isang single mother na may madamdaming sulat para sa kanyang mga anak sa “Yakap.” Nakasama rin nila ang beteranong aktor na si Jojit Lorenzo.
Samantala, ang kalusugan naman ng mga Pinoy ang binibigyang kahalagahan sa “Team FitFil,” na nagpapatunay na kailangan lamang ng apat na minuto para mapanatiling malakas ang katawan. Mapapanood ito sa ABS-CBN S+A YouTube channel (channel (youtube.com/ABSCBNSports) at eere rin sa TV sa ABS-CBN S+A araw-araw tuwing 7:30 AM at reruns kada 3:30 PM.
Pinapakita ng fitness coaches na sina Jim at Toni Saret ng iba’t-ibang 4-minute home workout routines na maaaring subukan mula sa mga tahanan, samantalang nagpapaindak naman ang dance coach na si Mickey Perz sa kanyang apat na minutong dance exercises.
Sa una nitong episode ipinakita ang fitness routine ni Robi Domingo at ng Kiwi sisters ng “PBB” na sina Franki Russell at Diana Mackey.
Para sa updates, i-follow ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).