The series is one of the shows most requested by netizens to re-air on ABS-CBN.
Maraming manonood ang nagbunyi sa pagbabalik ng “Tubig at Langis” na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Isabelle Daza, at Cristine Reyes na napapanood na mula Lunes hanggang Biyernes, 9:45 PM sa ABS-CBN.
Isa ang tinaguriang “sampal serye” sa most requested shows na ibalik sa ere dahil bukod sa kwento nito tungkol sa mga magulang na handang gawin ang lahat para sa anak, mainit ding pinag-usapan ang mga makapigil-hiningang harapan ng mga karakter nito.
Susundan nito ang kwento ni Irene (Cristine), isang mapagmahal na single mom na muling iibig at ikakasal sa kababata niyang si Natoy (Zanjoe). Mabubuo na sana ang inaasam nilang pamilya, ngunit masisira ito sa pagdating ni Clara (Isabelle) – aksidente itong mabubuntis ni Natoy at paninindigan ang dala-dalang bata.
Gabi-gabing masusubaybayan ang “Tubig at Langis” sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng “TV Patrol,” ang inspirational series na “May Bukas Pa,” “On the Wings of Love” nina Nadine Lustre at James Reid, at “Wildflower” ni Maja Salvador. Pagkatapos naman ng “Tubig at Langis,” mapapanood ang Chinese drama na “Story of YanXi Palace” at “Tonight With Boy Abunda.”
Para sa updates, sundan lang ang ABS-CBN PR sa Facebook (
fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).