News Releases

English | Tagalog

UAAP star Shaun Ildefonso , bida sa bagong digital series ng ABS-CBN Sports

April 17, 2020 AT 12:57 PM

Shaun Ildefonso stars in ABS-CBN Sports' "SRSLY" digital series

UAAP star Shaun Ildefonso brings his A game from the basketball court to the digital world in the new series “SRSLY” of ABS-CBN Sports.

Handog ng ABS-CBN Sports sa sports fans ang bagong digital series na pinamagatang “SRSLY” kasama ang UAAP star na si Shaun Ildefonso. 

Makisama sa masayang kuwentuhan tungkol sa mga pinaka pinag-uusapan sa mundo ng sports sa pangunguna ng team captain ng NU Bulldogs, na magbabahagi ng kanyang reaksiyon sa mga isyung pinagkakaguluhan ng mga atleta at mga taga-subaybay nila. 

Mapapanood ang “SRSLY” sa YouTube, Facebook, Instagram, at Twitter accounts ng ABS-CBN Sports, kung saan umabot na sa 5.5 milyon ang views sa apat na episodes nito. Kabilang sa mga tinalakay ni Shaun ang mga basher sa social media, ang bagong buhay ng mga atleta dahil sa kawalan ng sports, at ang kanyang reaksiyon sa song number ng mga PBA player. Pinag-usapan naman sa huling episode ang ilan sa mga loveteam na atleta tulad nina Kiefer Ravena at Alyssa Valdez at Deanna Wong at Jema Galanza.

Sa kanyang show, malayang nailalabas ni Shaun ang kanyang mga saloobin pero mas higit na layunin niya ang magbigay ng saya sa mga tao, lalo na at may pinagdadaanang krisis ang bansa ngayon dahil sa COVID-19.

Bukod sa pagiging basketball player, nais din ni Shaun na sundan ang yapak ng beteranong sports anchor na si Mico Halili, na siya ring namumuno sa ABS-CBN Sports Digital team. Sila ang nasa likod ng “SRSLY,” na isa sa mga digital show ng ABS-CBN, na may pinakamalaking presensya online sa mga lokal na kumpanya sa media at may dumaraming plataporma sa digital.

Maaaring mapanood ang “SRSLY” sa YouTube, Facebook, Instagram, at Twitter accounts ng ABS-CBN Sports, ang sports arm ng nangungunang media at entertainment company sa bansa.

Makiisa sa Kapamilya sports fans, sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook, Twitter at Instagram at magsubscribe sa ABS-CBN Sports YouTube channel. Para sa sports news, bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE